Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

PansamanTANGA

5.8K 64 4
                                        



"PansamanTANGA"

By: UNKNOWN


Di mo pa man nasasabi
Damang-dama ko na
Wala pa man sa iyong labi
Pero isinasampal mo na
Ang matatalas na salita ng mga hindi mo pagkibo
Sa tuwing tinatanong ko sa'yo kung kailan kayo hihinto

Pagod nang maglakbay ang aking mga luha
Mula sa aking mga mata hanggang sa mag-isa kong tinatapakang lupa
Pagod nang humakbang ang aking mga paa
Papalayo sa sarili ko
Papalapit sa mga ipinipilit mo

Lumaya ka sa akin
Para ikulong ako sa'yo
Sige lang
Kakayanin
Ngayon lamang naman ito

Pansamantanga.





---



Do some Comment and Vote :) i don't know kung sino ang author ng poetry ito :) nagustuhan niyo ba o hindi? :) 




Spoken PoetryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon