p r o l o g u e

105 12 8
                                    

"Eya, please..." Pakiusap ko at hinila siya paharap sa'kin. "Please talk to me."

"James, tigilan mo na ako...We have nothing to talk about." Sabi niya at pilit na inaalis 'yung kamay niya sa'kin.

"Ano pupunta ka nanaman kay, Veence?! Eya mahal niya si, Shin! Huwag mong saktan ang sarili mo!" Inis na sabi ko.

Ito nanaman kami sa boyfriend niyang gago. Ilang beses ko na bang sinabi at pinaramdam sa kaniya na mas kaya ko siyang alagaan at pasayahin kaysa kay, Veence? Eh, palagi lang naman siyang pinapaiyak nun. At saka bakit ba hindi niya isipin ang mararamdaman ng bestfriend niya pag nalaman nito ang lahat?

"Shin cheated on him! Veence needs me, mahal ko siya!"

"You kissed me!"

"It meant nothing, James!"

Dahil sa sinabi niya, napakuyom ako. Hindi ako nakapagsalita at pinanood na lang siyang maglakad palayo. Tangina ang sakit...sobra. Mas masakit pa 'to sa natanggap kong sampal sa mga ex ko. Bakit ba kung kailan gusto mo na magseryoso atsaka ka pa gagaguhin?

Sa mga oras na'to, parang gusto ko na lang puntahan si Veence at paulanan siya ng suntok. 'Yung tipong maliligo na siya sa sarili niyang dugo.

Pero kahit na malinaw ang pagkakarinig ko sa sinabi ni Eya, hindi ko pa din siya susundin. Hindi ko hahayaan na hindi siya mapunta sa'kin dahil sa ayaw at sa gusto niya,

Aagawin ko siya kay, Veence.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now