f i v e

35 4 0
                                    

James

"Sorry po talaga. Kapag gumaling na po ang kamay ko ay babalik po talaga ako dito agad." Sabi ni Maya, dishwasher sa bar ko.

Injured kasi ngayon ang kamay niya at ayaw niya namang sabihin sa akin ang dahilan. Pinipilit ko siyang ipa-check up namin sa doctor dahil baka lumala pero ayaw naman niya. Sayang lang daw sa pera, mawawala din naman daw ito.

"Mas mabilis maagapan 'yan kung magpapa-check up ka." Pagpupumilit ko pa rin at iling pa rin ang sinagot niya sa akin.

"Wala po akong pera." Halos pabulong niyang sabi at napayuko. Agad ko namang kinuha ang wallet ko, kumuha ng pera doon at inabot sa kaniya. Napaangat ito ng tingin sa akin. "Kasasahod ko lang po, ah?"

"Pero hindi 'yun sapat sa pagpapagamot mo. 'Di ba nga iniipon mo ang sweldo mo para sa pag-aaral mo? Ayoko namang bawasan mo 'yun para diyan sa kamay mo. Mamaya lumala pa 'yan at makasagabal pa sa pag-aaral mo." Nag-aalala kong sabi habang nakatingin sa kaliwang kamay niyang nakabalot ng benda.

"Pero—"

"Boss mo ako, Maya. You have to obey me." Nakangiti kong sabi at bigla iyong nawala noong makita ko ang luha na tumulo sa gilid ng mata niya.

"T-Thank you po, sir. Thank you po talaga." At bigla niya akong niyakap. Bigla ko tuloy naalala si, Nadya. Ganitong-ganito din ang ginawa niya noong sabihin kong sagot ko na ang pang opera ng nanay nila.

"Pumunta ka na sa Ospital bago ko pa bawiin 'yang pera sa'yo." Pagbibiro ko at ngumiti lang naman siya sa'kin bago tumango.

Ilang beses pa siyang nagpasalamat sa akin bago umalis. Nakangiti lang naman akong pumasok sa loob ng bar. Nakatulong nanaman ako at ang sarap sa pakiramdam.

"Ganda ng ngiti natin sir, ah?" Kevin said as he saw me walking towards him.

10pm pa lang at hindi gaanong marami ang tao ngayon kaya nakukuha niya pa akong kausapin. Hanggang ngayon nasa Ospital pa rin si Liam at sinabi niya sa'king baka matagal pa siyang hindi makapasok kaya mukhang matagal pa rin akong mag-i-stay dito plus, kailangan ko pang maghanap ng papalit na dishwasher kay Maya dahil hindi ko naman pwedeng pagsabayin ang pagiging bartender at dishwasher. Baka maging torture na sa sarili ko 'yon.

"Binigyan ko kasi ng pampagamot si, Maya." Sagot ko naman sa kaniya at tinulungan siya sa ginagawa niya.

"Ang bait niyo po talaga. Kaya din po hindi namin maiwan-iwanan ang bar na ito dahil sa boss naming hulog ng langit." Natawa naman ako sa sinabi niya.

Palagi nila iyan sinasabi sa'kin. Sa lahat daw ng boss ako ang hulog ng langit dahil palagi ko silang tinutulungan kapag may problema lalong-lalo na sa pera.

"Sa sobrang bait niyo nga po hindi na namin alam kung paano kayo babayaran." Dagdag niya pa at nakita ko pa siyang napakamot dahil sa sinabi niya.

"Sabi nga nila, true kindness lies within the act of giving without the expectation of something in return. Pera lang 'yan, bumabalik din naman 'yan." Hindi naman talaga ako nanghihinayang sa pera kapag nawawala ito sa akin lalo na't kung naibibigay ko ito sa mas nangangailangan, masaya na ako dun.

"Oo nga po. Pero paano po 'yan? Paniguradong mamaya marami nanamang tao. Kaya ba ni 'nay Lydia mag-isa?" Tanong niya bigla kaya napahinto ako sa ginagawa.

Oo nga pala.

Si Nay Lydia ang kasama ni Maya sa pagiging dishwasher. Actually, tatlo sila dati pero nabuntis 'yung isa at kailangan na niyang huminto sa pagtatrabaho dahil malapit na siyang manganak kaya naiwan si Maya at 'nay Lydia kaso nga nagkaproblema din kay Maya kaya si nay Lydia na lang ang matitira. May katandaan na din si nay Lydia kaya paniguradong hindi niya na kakayanin ang trabaho mag-isa. Hindi lang din naman kasi paglilinis ng pinggan ang ginagawa ng dishwasher dito. They take out the trash, clean the parking lot, sweep and mop the floors too kaya hindi pwedeng pabayaan ko si 'nay Lydia na gawin ang lahat ng 'yon mag-isa.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now