o n e

58 13 8
                                    

James

"Ang daming tao ngayon, you need my help?" Tanong ko sa bartenders ng bar na si Liam at Kevin. Agad naman silang umiling sa akin.

"Naku sir, kaya naman po namin. Magpahinga na lang po kayo." Liam said while mixing the ingredients for cocktails. Tumango na lang ako sa kanila.

Mapagkakatiwalaan ko naman sila dahil sa tagal na nilang nagta-trabaho dito sa Bar na pagmamay-ari ko, alam ko na mabilis silang kumilos.

"Just call me if there's a problem."

"Yes, sir."

Lumabas na ako ng Nonagon at dumiretso sa parking lot pero imbes na ang kotse ko lang ang maabutan doon, nakita ko ang babaeng hindi ko gustong makita na nakasandal sa kotse ko.

Shit, kadadaan ko lang sa car wash!

"Huwag ka ngang dumikit sa kotse ko." Iritable kong saad kaya napunta ang atensyon niya sa akin.

"Babeee!"

Tss. Who the hell allowed her to call me babe? And it's late, what is she doing here?

"Sabi ko na nga ba nandito ka lang, eh. I bought you foods baka gutom ka." Sabi niya at inabot sa akin 'yung tatlong paper bag. Tinignan ko lang iyon. "I already ate," At naglakad na patungo sa kotse ko.

"Babe!"

Magmamadali na sana akong pumasok sa loob pero naabutan niya pa din ako at mabilis na niyakap mula sa likod. This is so gross.

"I missed you." She whispered na pinarinig niya talaga sa akin. Miss agad? Samantalang nagpakita lang din siya kahapon sa akin.

Tinanggal ko ang pagkakayakap nito. Why is she so clingy?

"Stop acting like my girlfriend Apple, because you're not." I said with annoyance pero parang wala naman siyang narinig.

"Kung ayaw mo nitong mga pagkain then let's just go on a dinner date, babe. I want to eat with you, pleaaase?" She said using her little voice. I sighed.

Ilang beses niya pa ba gustong marinig sa akin na ayoko siyang makasama?

"I'm sorry Apple but I need to go hom--"

"Honey!"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakuha ng atensyon namin ang isang babae at...did she just call me Honey? Hindi ko masabing hindi dahil sa'kin siya mismo nakatingin.

And she looks familiar. Even her voice.

Madilim-dilim na kasi dito sa parking lot kaya hindi ko halos makita ang mukha niya plus, may mga bangs din na humaharang sa mukha niya, but I can tell that she's beautiful.

Nang tuluyan siyang makalapit ay agad niyang inalis ang pagkakayakap sa akin ni, Apple. Ano bang ginagawa niya?

"Why are you hugging him? That's my boyfriend!" She angrily said na ikinalaki ng mata ko.

B-Boyfriend?

Woah. Sa mga oras na 'to pakiramdam ko ang pogi pogi ko, hay. Nagkagirlfriends nanaman ako ng wala sa oras.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now