t h i r t e e n

13 2 7
                                    

Isang malakas na tunog ang pumaibabaw sa loob ng kwarto kinaumagahan. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig mula sa kama.

"Omg! Sorry! I was just excited to learn how to cook! Sorry ginising talaga kita hehehe," rinig kong sabi ni Shin na nasa kama ko ngayon.

Wala akong nagawa kundi tumayo habang naniningkit pa ang mga mata ko.

"Ang sakit mo naman manggising."

Napahawak ako sa pwet ko. She giggled at nagpakita pa sa'kin ng peace sign.

"Hindi ko naman intensyon na ihulog ka. Sadyang napalakas lang ang tulak ko," napapakamot niyang sabi.

Bigla naman akong napatingin sa sarili ko at agad nanlaki ang mga mata ko noong mapansin kong topless nga lang pala ako at naka boxer. Kinuha ko agad 'yung kumot at tinakip sa sarili ko.

Bakit hindi man lang siya nag react na nagulat na makita akong gan'to?

"Sus. Sanay na ako diyan. Bihis ka na ha kurutin ko yan, eh," sabi niya at lumabas ng kwarto.

Wow.

She's so unlike Eya. Sabagay ganito naman talaga si Shin, walang arte sa katawan. Baka nga kung hindi pa siya naging kaibigan nila Eya at Gab, baka hanggang ngayon kagaya pa rin siya noong high school sila.

Sabagay nag live in din naman kasi sila ni Veence. Imposible namang inosente pa siya sa mga ganitong bagay. Ang pinagkaiba lang, mas macho ako sa kaniya.

Nagbihis lang ako at lumabas na ng kwarto. Hawak ko na rin ang susi at hinanap si Shin sa bahay.

"Grocery muna tayo. Wala na akong stocks sa ref."

Tumango lang naman siya at inunahan akong lumabas ng bahay. Ganito ba talaga siya kasabik matutong magluto?

While I'm driving, binasag niya ang katahimikan.

"Pinapasabi nga pala ni kuya na sa Saturday na ang opening ng resort nila. Gusto nilang mag bonding tayo sa araw na 'yon. Nakalimutan daw niyang sabihin sa'yo kahapon."

Tumango lang ako sa kanya at hindi inalis ang tingin ko sa daan na nagtanong.

"Buong tropa ba ang makakapunta?" tanong ko. Napataas siya ng balikat.

"I don't know, maybe yes. Kailangan daw kasi nandoon ang lahat dahil once in a lifetime na lang mangyari na makapag bonding tayo dulot ng may kaniya kaniyang buhay na," she explained. Bigla naman akonh nag-alala.

"Including, Veence?" medyo may pagdadalawang isip na tanong ko.

Hindi ko na lang ibinaling ang tingin sa kaniya. Sandali naman siyang natahimik.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now