t w e l v e

18 2 8
                                    

Hindi ko na nagawa pang pumunta sa trabaho dahil sa nangyari. I'm with Apple now at the coffee shop dahil hindi niya ako tinigilan tawagan kanina hanggat hindi ko nababalik ang cellphone niya. Marami raw kasi siyang importanteng documents dito.

"Dapat sinabi mo na bet mo yung phone ko, binili sana kita." nakataas ang kilay na sabi niya sa'kin.

"Sorry." sabi ko at inabot sa kaniya ang cellphone.

"Wait James, where are you going?" pagpigil niya sa'kin noong aalis na sana ako.

"Ano? I came here for your cellphone." walang gana kong sabi. She just smirked at hinawakan ang braso ko.

"Are you dumb? Sasabihin ko ba na magkita tayo sa coffee shop kung wala akong balak na i-date ka?" sabi niya at bigla akong hinila papasok sa loob.

Napapikit na lang ako at napahinga ng malalim.

Ngayon lang, James.

Ngayon lang 'to...

Hindi na ang ako umimik noong makahanap kami ng table. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to kaya siya na ang um-order. Tamang nadadaanan ko lang kasi 'to pero never pa akong nakakain.

"So what happened? You talked to her ba?" tanong niya habang naghihintay kami ng order. Tango lang ng sinagot ko. "Seems like, hindi maganda ang nalaman mo. Mukhang nawala ka sa mood."

I smirked. Kailan ba naging maganda ang mood ko sa kaniya?

"You know James, wala naman bayad ang pagsasalita. Treat ko na nga 'to sa'yo 'di ba so wala ka dapat tipirin." sabi niya at inirapan pa ako. Yes, she has that attitude.

"Ano pa bang dapat nating pag-usapan? Nabalik ko naman na ang cellphone mo. 'Yun lang naman ang usapan natin." I said as I tried to calm myself. Tinawanan niya lang naman ako.

"Obvious ba? Syempre gusto kita kaya gagawa talaga ako ng paraan para makasama ka." kinindatan pa niya ako. Napailing-iling na lang ako.

Sana ganito rin kalakas ang loob ko na umamin sa gusto ko. Sobrang vocal ng babae na 'to, eh. Sumobra sa taas ang confidence.

"Huwag mo na lang ako gustuhin. I don't wanna hurt you." seryoso kong sabi.

Nagseryoso rin siya at nilapit bigla ang mukha niya sa'kin. Napatingin ako sa paligid at buti na lang konti ang tao ngayon dahil anong oras na. Pinandilatan ko naman ng mata si Apple pero parang wala lang siyang nakita. Tinaasan niya ako ulit ng kilay.

"Sa tingin mo ganun lang kadaling utusan 'yung feelings ng isang tao? Edi sana sinabi mo muna 'yan sa sarili mo bago mo sinabi sa iba. Hindi ka sana nasasaktan ngayon, right?" sabi niya at nilayo ang mukha sa'kin habang umiiling.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now