t e n

18 3 4
                                    

James

I prepared breakfast for Shin pero hanggang ngayon hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto kaya hindi ko alam kung gising na siya. Nung last na chineck ko siya kanina, natutulog pa rin naman siya. Sa kwarto ko siya nakatulog habang ako naman, sa guest room nalang.

"Gusto niyo po bang tignan ko na si ma'am Shin kung gising na siya?" tanong sa akin ni Stella matapos niyang ihain ang mga pagkain.

"I'll do it." ngumiti ako sa kaniya at tumango na lang din siya at ngumiti.

Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong gising na si Shin habang nakasandal sa headboard ng kama. Tulala lang siyang nakatitig sa kawalan. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ko.

"Shin." mahinahon kong pagbanggit sa pangalan niya pero parang wala lang siyang narinig. "Dadalhin ko na lang ang almusal mo dito ha?"

Hindi man siya sumagot ay lumabas na akong kwarto patungo sa dining area. Hindi na ako nag-utos sa mga kasambahay at ako na lang mismo ang naglipat sa tray ng mga pagkain. Ihinatid ko ito sa kwarto at inilagay sa bedside table. Hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Kumain ka na. Tinawagan ko si Timothy para masundo ka." hindi ko inaasahang tignan niya ako at bigla itong nagsalita.

"No please, let me stay here." may halong pagmamakaawa at takot ang mga tingin nito.

Napakuyom ako ng kamao. It was Veence' fault. Kundi dahil sa kaniya hindi magkakaganito si, Shin. Sa lagay niya ngayon, mukhang nagkaroon na siya ng trauma sa nangyari. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Hinaplos-haplos ko ang likod niya noong magsimula itong umiyak.

"Okay, I'll keep you safe here. I promise." bulong ko sa kaniya.

Nang mapakalma si Shin, hindi niya pa rin ginagalaw ang pagkain kaya ako na ang kumuha nito para subuan siya. Hindi niya naman binubuka ang bibig niya at tinatanggihan lang ito.

"Kumain ka na, please. This is for your own health. Darating si Timo at pag nakita ka niyang ganiyan, mapipilitan na siyang isama ka dahil iisipin niyang hindi kita naaalagaan ng maayos dito. You don't want that right?" may halong pananakot na tanong ko.

Dahan-dahan niyang inilingon ang ulo niya sa akin. Tinapat ko ulit sa kaniya ang kutsara at hindi na siya nagdalawang isip pa na isubo ito.

Success.

Nang maubos niya ang pagkain, kinuha ko ang lahat ng kasangkapan at nilagay ulit sa tray.

"Dadalhin ko lang 'to sa kusina. If you wanna take a bath, wait for your brother. I told him to bring you clothes." lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla niya akong tawagin.

"James..." kalmado niyang pagtawag sa pangalan ko. Lumingon naman ako sa kaniya at nakita ko ang maliit na ngiting nakaguhit sa labi niya. "Thank you."

Ngumiti rin ako sa kaniya bilang sagot at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Noong mailagay ko ang mga kasangkapan sa lababo, bigla kong narinig si Stella na tinatawag ako.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now