James
"Ghaad! I can't believe, Shin! Paano niya nagawang ipagpalit si Veence ng ganun-ganun lang?" Hindi makapaniwalang sabi ni Eya at kumuha ulit ng isang pirasong almond sa garapon na hawak niya at sinubo ito. "Nai-shtressh ako bilang besh friend niya."
"Chill."
"Chill?! Paano ako chi-chill ngayong nalaman kong kaya pala hindi niya magawang magreply sa messages ko eh kasama niya pala iyang si, Sixto! Isa pa 'yang Sixto na 'yan!...blah blah blah."
Napatakip na lang ako ng tainga at hindi na pinakinggan pa ang sumunod niyang mga sinabi. Ito ang hirap sa babaeng ito kapag nagagalit, ang daming sinasabi. Ito 'yung pinakaayaw kong pagkakataon kapag kasama ko siya.
"Hoy, why are you covering your ears? Hindi ka ba nakikinig sa pinagsasabi ko? Salita ako nang salita dito tapos hindi ka naman nakikinig! Diyan ka na nga magpapa-salon muna ako!" Inis na sabi niya matapos tanggalin ang pagkakatakip ng mga tainga ko. Tumayo pa siya para ibalik yung almonds sa ref. tapos bumalik din sa harapan ko. "What do you think, Jam? Bagay kaya sa akin ang blonde na hair? Wala lang bigla lang pumasok sa isip ko." She asked.
"Kahit naman sabihin kong pangit sa'yo hindi ka maniniwala at susundin pa rin ang gusto mo." Sabi ko na ikinasimangot niya.
"I don't really know why I'm still asking you." Huli niyang sabi bago lumabas ng pintuan ng bahay.
"Before going anywhere, be sure na natanggal mo na 'yung chocolate sa ngipin mo!" Pahabol na sigaw ko noong pagkalabas niya ng bahay. Wala na akong ibang narinig kundi ang pagmumura na lang niya sa akin at halata sa tono niya na nasa ngipin na niya ang daliri niya dahil sa hirap na siyang magsalita.
Humiga na lang ako sa sofa habang nailing. Hanggang kailan pa ba tayo magiging magkaibigan lang?
**
"How's your mother?" Tanong ko kay Nadya habang naglilinis siya ng pinggan. Wala pa naman kasi masyadong tao kaya iniwan ko muna si, Kevin.
Agad naman siyang napalingon sa akin pero pinagpapatuloy pa rin ang paglilinis, "Ah! Sir James, okay na po si nanay sa awa ng, Diyos. Dahil na rin po iyon sa tulong niyo. Tuwang-tuwa nga po si Kuya at gustung-gusto na niya po pumasok para pasalamatan kayo kaso kailangan pa po mag-stay ni nanay kaya hindi pa din siya pwede. Marami po talagang salamat."
"So you mean, sinabi mo na sa kaniya ang tungkol sa hospital bill?" takang tanong ko.
"S-sorry po. Kinulit niya po kasi ako nang kinulit kaya wala na akong nagawa kundi sabihin." sabi niya at ngumiti ng alanganin.
Tumango at ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Ang mahalaga, nabigyan agad ng aksyon ang pagkausap ko sa doctor niya na operahan na agad ang nanay nila. Magandang bagay na din at naging successful ang surgery. Halata tuloy sa mga mata ni Nadya ngayon ang saya at mukhang gusto niya pa nga akong yakapin kung hindi lang basa ang mga kamay niya.
"Salamat naman kung gan'on. Hayaan mo susubukan kong dumalaw sa nanay mo bukas para kamustahin siya." Nakangiti kong sabi.
"Naku, siguradong matutuwa po si nanay na makita kayo ganun na rin po si kuya Liam. Pupunta rin po ako doon bukas ng umaga, eh." Sabi niya habang pinagpapatuloy ang ginagawa. "Pasensya na po at kailangan ko munang ipagpatuloy ang trabahong ito habang kausap kayo."
"No, no, it's okay. It's fine with me ako naman ang pumasok dito para kausapin ka. So ano? Sunduin na lang kita sa bahay niyo bukas ng umaga para sabay na tayo pumunta sa Ospital?" Tanong ko. Napalingon naman siya sa akin at umiling-iling.