n i n e

31 3 10
                                    

Eya

Another bottoms up. Ilang bote na rin yata ang walang laman na nasa harapan namin ngayon dahil kay, Veence. Magmula noong umuwi kami dito sa condo niya galing sa Nonagon, hindi na siya huminto sa pag-inom.

"V, you need to stop drinking now. May trabaho ka pa bukas." ani ko. Hahawakan ko sana ang braso niya pero agad niya itong tinabig.

"W-was that really the reason why she left m-me? For being w-workaholic?" he asked while crying.

Napasapo ako ng noo bago tumingin ulit sa kaniya. "I told you not to think of her. Nandito naman ako 'di ba? I know I'm better, V. Please choose me..."

"No!" dahil sa sinagot niya, parang unti-unti ulit na binasag ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako nasasanay sa ganitong eksena kahit araw-araw niya namang ginagawa sa'kin 'to.

"That fucking Sixto don't know about anything. H-he doesn't know for what and why I work too much. Hindi niya alam k-kung...kung gaano ako ka-desperado mag-ipon para lang maibigay ang dream wedding ng taong mahal ko." he said while still sobbing. Tinungga niya ulit ang bote na hawak niya.

Until I could no longer stop my tears from falling on my cheeks. Ginagawa ko naman ang lahat para sa kaniya. Pinapalitan ko naman lahat ng kasiyahan ang sakit na binibigay ni Shin, but why couldn't it still be me?

Hindi ko naman talaga intensyon na magkagusto kay Veence pero habang tumatagal na nakilala ko siya, lahat ng hinahanap ko sa lalaki, nakikita ko sa kaniya. He's my best friend's boyfriend kaya nung una naging best friend lang din ang tingin ko sa kaniya, pero habang tumatagal higit na doon ang nararamdaman ko. Yes, I kept this secret from Shin dahil alam kong once na malaman niya, ilalayo niya sa'kin si Veence and I'm afraid for that to happen.

I don't care about our friendship anymore. Traydor na kung traydor basta't sinusunod ko lang ang sinasabi ng puso't isipan ko.

Ngayon pa ba ako hihinto? Kung nararamdaman ko nang malapit ko na siya maabot? Madami na akong handang isakripisyo para lang sa kaniya kaua't sisiguraduhin ko na hindi ako matatalo sa labanang 'to.

Nabaling ang tingin ko sa cellphone ko na nasa gilid ng lamesa nang bigla itong tumunog. My mom is calling and I couldn't do anything but to answer it.

"I'll be back." sabi ko kay V at lumabas saglit ng kwarto.

Pagkasagot ko ng tawag, narinig ko agad ang galit na boses ni mommy.

"Why did you call, mom? 3am na dito." tanong ko matapos tignan ang oras.

[Active ka sa facebook kaya nalaman kong gising ka pa. Ngayon lang kita natawagan dahil naging busy sa business.]

Fudge. I think I forgot to off the data. Hindi pa man ako nakakapagsalita, boses na ulit niya ang narinig ko.

[So why did you cancel your flight? Hindi ba't nag-usap na tayo na pupunta ka na dito? Our restaurant needs you.]

Treat You BetterWhere stories live. Discover now