Shin
"Pakisabi na lang po kay James na umalis ako saglit." sabi ko kay manang.
"Sige po ma'am."
Kanina nanggaling dito si Kuya at ibinalik ang gamit namin ni, James. He also asked me if Veence had done anything wrong to me. Sinabi ko naman na wala at tinapos ko na ang lahat sa amin. Nabigla pa nga siya nang sabihin ko iyon pero sinabi rin naman niya na tama lang ang ginawa ko dahil hindi na niya nagugustuhan ang mga ginagawa ni Veence sa akin.
Mahirap oo, pero iyon na lang ang alam kong paraan. I tried to talk to him several times and explain what really happened between me and Sixto but he never listen. Habang tumatagal, parang hindi na siya 'yung Veence na nakilala ko. He changed a lot, as if someone else has changed him.
"Hello?" sinagot ko ang tawag nang mag-ring ang cellphone ko.
"Sa'n ka na?" tanong ni Ela sa kabilang linya.
"I'm on my way. Si Eya ba tsaka Gab?"
"I'm with Gab. Si Eya hindi ko ma-contact." sagot niya. Natawa ako bigla. Kasama niya nga pala si James.
"Okay. Wait me there."
Nagtampo kasi sa'kin sila Ela noong hindi na raw ako sumipot kahapon nang magpaalam akong pupunta lang sa restroom. Nagbiro pa nga na akala raw nila kinain na ako ng kubeta kaya pupuntahan na sana nila ako pero pinasabi ko na lang kay Kuya na sabihan silang umuwi na ako. Nag-request tuloy siya na magkita-kita kami ulit ngayon para makabawi ako sa kanila ganon na rin si, Eya. Pero alam ko naman na hindi makakasama si Eya ngayon.
I took my bag on the sofa and was about to leave pero natanaw ko si James na papasok ng gate at parang hirap na hirap buksan ito. Hindi niya tuloy maipasok ang kotse niya. Lumapit ako doon para ako na ang magbukas sa kaniya.
He looked at me first before speaking, "Thanks." tipid lang na sabi niya. Anong nangyari dito? Bakit biglang lumungkot ang boses?
"Anyare? Lq na kayo agad?" pang-iinis ko pero this time, hindi niya ako pinansin. Hindi naman masakit.
Pinanood ko lang siya na igarahe 'yung kotse niya. Noong pagbaba niya, tumingin ulit siya sa'kin. Napansin ko naman na kanina niya pa tinatago ang isa niyang kamay.
"May lakad?" he asked. Tumango ako.
"Why are you hiding your right hand?" takang tanong ko.
"Where are you going?" at sinagot niya lang din ng isang tanong ang tanong ko.
Sa inis ko, hinila ko ang braso niya paharap sa akin para makita kung anong tinatago niya but I think it was a wrong move.
"Ahh!" napainda siya sa sakit sa ginawa ko. Doon ko napansin ang pamamaga at pagdurugo ng kanang kamay niya.
"H-Huy! Ano nangyari dyan?!" gulat na tanong ko at hindi alam ang gagawin dahil tuloy-tuloy lang ito sa pagdurugo.
"It's okay, Shin. I can manage. Baka ma-late ka sa lakad mo." sabi niya at nilagay ulit sa likod niya ang kamay.
Agad kong tinext si Ela na hindi na ako makakapunta dahil may emergency. Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at hinila si James papasok ng bahay.
"Hey! I told you to go." rinig ko pang sabi niya.
"Hindi lang ako mapapakali roon kapag nalaman kong ganiyan ang kalagayan mo." sabi ko sa kaniya.
James is nice. He treated me very well magmula noong matira ako rito. Ayoko naman na ako lang ang inaalagaan niya.
"Na-cancel ko na."