James
"V-Veence?"
I looked at the woman who spoke beside me at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino siya.
It was, Shin.
Veence' girlfriend.
"Shin...w-what are you doing here?" I stupidly asked. Alam ko namang nandito siya para sa boyfriend niya pero nagtanong pa rin ako. Imbes na tignan ako ay nakatingin lang siya kay Eya at Veence na naghahalikan pa rin. Nakita ko ding may tumulo na luha sa mga mata niya at ang panginginig ng mga kamay nito kaya agad ko siyang hinawakan. "Let's go."
"N-No! Lalapit ako sa kanila, I w-wanna know who the girl is!" She said while sobbing at akmang lalapit na pero mas hinawakan ko siya ng mahigpit at hinila na palabas.
I can't let her know na si Eya ang babaeng iyon. Alam kong mas masasaktan siya kapag nalaman niyang nagawa iyon ng kaibigan niya sa kaniya.
Noong nahirapan akong hilain siya sa braso sa pagpupumiglas niya ay pinalupot ko na ang braso ko sa baywang niya para mas hindi siya makawala. Nagtagumpay naman akong mailabas siya at maisakay sa kotse ko. Mukhang napagod na rin siyang magpumiglas dahil na din sa pag-iyak niya kaya hindi na niya nagawang lumabas pa ng kotse. Nilagay ko muna ang seatbelt sa kaniya bago umupo sa driver's seat at paandarin ang sasakyan ko. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin basta't drive lang ako nang drive.
"B-Bakit mo ba ako pinigilan?" She asked at nung tinignan ko siya, diretso lang siya na nakatingin sa daan pero may mga luha pa ring tumutulo sa mga mata niya.
"Of course that's my bar, ayoko lang na mag eskandalo ka sa bar ko." Pagsisinungaling ko.
"Take me to kuya's condo, please..." I just nodded at nag-iba ng daan papunta sa condo ng kuya niya. Buti naman at sinabi niya kung saan ko siya dapat dalhin.
Tahimik lang kaming dalawa sa loob hanggang sa makarating at tanging pagsinghot lang ang naririnig ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ni Veence pero galit na galit ako sa lalaking iyon. How could he do that? Hindi niya man lang ba naisip si Shin bago siya manghalik ng ibang babae? Kahit na hindi si Eya 'yon naiinis pa rin ako! Sa pagkakaalam ko malapit na ang second anniversary nila pero bakit biglang ganito?
Isa pa ang babaeng 'yon. Hindi man lang din ba naisip ni Eya ang kaibigan niya? Ang tagal na nilang magkaibigan pero handa niyang sirain 'yun para lang kay, Veence?
"What happened? Anong ginawa mo sa kapatid ko?" At talagang ako pa ang sinisi ng itlog na 'to.
"I-It was just a misunderstanding between me and Veence, kuya. Just l-let me sleep here tonight." Shin said, stuttering at tumuloy na sa loob. Nang makita siya ni Gab na nasa sofa ay agad niyang sinundan si Shin papasok sa kwarto. Bakit hindi niya sinabi ang totoo? Ako ang maiipit dito, damn!
"Paano mo siya nakasama?" Nakakunot na tanong sa akin ni, Timothy. Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"We just bumped into each other somewhere. I saw her crying kaya nilapitan ko na. She wants me to take her here, sumunod lang ako." I said at tumalikod na. Mas maganda kung ang kapatid na lang niya ang tanungin niya.
"Wait, hindi ka man lang ba muna papasok?" Rinig kong tanong niya at tinaas ko lang naman ang kamay ko senyales na ayaw ko.
Kailangan kong mapag-isa. May problema pa akong kailangan kong problemahin.
"Okay. Thanks for taking my sister here, bro."
Umuwi na ako agad sa bahay ko at nakasalubong ko naman si manang. Inalok niya ako ng hapunan pero sinabi kong sila na lang muna kumain ng isa ko pang kasambahay ngayong gabi dahil wala akong gana. Pakiramdam ko nga kahit ilang araw ay kaya kong hindi kumain.