James
Napatawa ako ng mapait habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. I can't believe na nagawa niya pang magsinungaling sa'kin para lang dito.
Sausage Gravy Breakfast Lasagna, Scrambled Eggs With Smoked Salmon, French Toast and a Peach Bellini? Ang mga iyan lang naman ang nakita kong ipinost ni Veence sa instagram account niya. Kagaya ng itsura nito kung paano ito i-serve ni Eya sa akin ay ganoon din sa kaniya.
Veence_ Thank you for making up wonderful homemade meals for me.
Eyyy. 😘So obviously, he's giving a clue in his caption. Ito ang dahilan ng pagsisinungaling ni Eya sa akin.
I sighed.
I can't believe them both. I clicked his profile at nakita kong burado na ang lahat ng posts niya tungkol sa kanila ni Shin. Ganun kabilis? Ni hindi muna nila piniling mag-usap at pakinggan ang side ng isa't-isa? I can't help but be mad at Veence more. He's disappointing me. Siya ang mas matanda kaya't siya dapat ang unang kumausap kay, Shin. He's acting like a kid and not a grown up person.
Sa inis ko ay matapos akong dumaan sa Ospital kasama si Nadya, tinext ko agad si Shin na pupuntahan ko siya and she replied okay. Pagdating ko sa condo ni Timothy, si Shin ang nagbukas sa akin ng pintuan.
"Pasok ka." she said and opened the door widely. Pumasok naman ako kaagad at umupo sa sofa. Ganun din siya sa tapat ko.
"Si, Timo?" tanong ko muna.
"Wala. May date sila ni, Gab." sagot nito at tumango na lang ako. "So what brings you here?"
"Enlighten me. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Veence?" tanong ko at bigla naman siyang natulala saglit at nagbuntong hininga. "I want to know everything. I want to help you both. Parang wala kasi kayong balak na mag-usap, ayoko naman talagang maki-alam, pero hindi ko na kasi mapigilan."
Ayoko lang kasi na lumalim pa ang nasa pagitan ni Eya at Veence. Hindi dahil sa nagseselos ako, ayoko lang na masaktan si, Eya. Kahit hindi na niya sabihin pa sa'kin, alam kong may gusto siya kay, Veence. I don't know how and when pero nahalata ko na lang ito noong nagkalabuan si Shin at Veence. Pero alam kong nasasaktan lang ngayon si V kaya't nagagawan niya pang bigyan ng atensyon si, Eya. Pero once na magkabalikan na sila ni Shin, si Eya lang din ang masasaktan sa huli.
"If you're still not ready to talk, it's okay I understand. Just call me whenever you're ready I will wait." sabi ko at nginitian siya. Isang buntong hininga lang ulit ang pinakawalan niya at nagsalita na.
"I was with Sixto that day. Nakilala ko siya dahil kay, Eya. Bago pa ang anniversary namin ni Veence, nakaka hangout na namin si Sixto kasama ang banda niya. Pinakilala ko naman siya kay V at okay lang naman daw sa kaniya as long as alam niya kapag naghahangout kami. Before our anniversary, I planned to surprise him and Sixto offered a help dahil busy daw ng araw na 'yon si Eya kaya't hindi niya ako matutulungan so I accepted his offer, and then..." sandali siyang huminga ng malalim at umiwas ng tingin sa akin. Halata sa kaniyang mga mata na nangingilid na ang mga luha niya.