James
"Ang sinasabi ko lang—" Hindi nanaman niya ako pinatapos.
"Iuwi na lang natin siya. Baka sumobra na siya masyado sa pag-inom." Pagputol niya sa akin at kitang-kita sa mukha niya ang pag-aalala noong tignan niya si Veence na walang hinto sa pag-inom.
I sighed. Maybe she's right. Kahit naman siguro ano pang sabihin ko dito hindi niya ako pakikinggan dahil masyado na siyang lasing. Masasayang lang ang laway ko.
Ayaw pang mag-paawat sa amin ni Veence kaya nagpatawag na ako ng bouncers para tulungan kaming ipasok siya sa kotse ko. Nagtagumpay naman kaming ipasok si Veence sa backseat dala na rin siguro ng pagod niya kaya nakatulog na rin siya paghiga na paghiga namin dito.
"Thank you." Pagpapasalamat ko sa mga bouncers bago umalis.
"Anytime, sir." Sabi nila. "Wala na po ba kaming maitutulong?"
"No, I can handle. Balik na kayo sa trabaho at baka magkagulo pa bigla sa loob." I commanded and they obeyed.
Umupo na ako sa driver's seat at nakita ko si Eya sa gilid ko na nakatingin lang sa backseat. Hindi man lang niya ako nilingon sa pagpasok ko sa kotse. I tsked. Iyon ang naging dahilan ng paglingon niya.
"W-What?" She asked. Tinignan ko lang siya ng diretso sa mga mata niya pero umiwas siya rito.
"You like, Veence?" Halatang nagulat ito sa tinanong ko dahil bumalik ang tingin niya sa akin.
Sinubukan ko namang maging manhid at isipin na hindi niya gusto si Veence pero kasi, sobra na 'yung mga kinikilos niya. Masyado na siyang halata.
"H-huh? H-hindi ah!" The way she stutters kapag si Veence ang usapan, nakadagdag pa ito sa paghihinala ko.
"Akala mo ba hindi ko mapapansin? You're always worried about him and you even let him kissed you! Wala ka bang konsensya at nakukuha mo pa siyang ipagtanggol kaysa sa best friend mo?" Naiinis kong tanong at napatulala lang siya dahil sa sinabi ko. Halatang ayaw pumasok ng mga ito sa utak niya.
"A-Alam mong ako ang nakahalikan niya?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes. Thank your new hair style at ako lang ang nakapansin sa aming dalawa ni, Shin."
Sa sobrang inis ko ay inistart ko ang sasakyan at pinaharurot ito. Nakita ko siyang napahawak sa kinauupuan niya dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko. Kung hindi ko lang siguro nilagay ang seat belt niya ay nauntog na siya sa harapan niya. Mabuti na lang din at tulog ngayon si Veence kaya hindi niya naririnig ang mga pinag-uusapan namin.
"He's too drunk that time! I didn't let him kiss me! I tried to stop him pero matigas ang ulo niya at kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko, hindi ko magawa! I'm worried not because I like him but because of what my bestfriend did to him! Naiintindihan ko lang si Veence dahil si Shin ang naunang manloko! I'm mad at her kaya bakit mas ipagtatanggol ko pa siya? So please, don't get me wrong, James" She explained. Hindi na lang ako kumibo at nagpatuloy sa pag drive hanggang makarating sa bahay ni, Veence.
Kung ayaw nilang hayaan na pagpaliwanagin si Shin, ako na lang ang kakausap sa kaniya para pakinggan ang rason niya. Alam kong mahal na mahal ni Shin si Veence at hindi niya basta magagawa ang bagay na 'yun. Kung sinasadya man 'yun ni Shin, edi sana hindi ko siya nakitang umiyak at masaktan ng sobra matapos niya makitang may kahalikang iba ang boyfriend niya.
"Dahan-dahan." Sabi ni Eya habang pinagtutulungan naming akayin si Veence paakyat sa kwarto nito.
Nang tuluyan na namin itong maihiga sa kwarto niya ay agad na kumuha si Eya ng damit sa drawer ni, Veence. Pagkatapos itong kuhanin ay akmang lalapitan na sana niya si Veence para bihisan ito pero pinigilan ko siya.