James
"Ayos ka lang ba? Sigurado ka bang kaya mo?" paninigurado ko kay Shin noong tumungga nanaman siya ng isang basong alak.
"How many times do I have to repeat that I'm okay? Believe me James, my alcohol tolerance is high." pag-uulit niya sa sinabi niya kanina at tumawa pa ito.
Kahit sinusubukan niya pa rin itago ang totoong nararamdaman niya, kahit ilang beses pa siyang tumawa sa harapan ko, halatang-halata pa rin ang kalungkutan sa mga mata niya.
Matapos ng nangyari kanina, nagpumilit si Shin sa'kin na dalhin ko siya dito sa Nonagon. Noong una, ayoko pang pumayag sa gusto niya dahil alam ko na ang binabalak niyang pag-inom pero sabi niya, kung hindi ko siya sasamahan, sa ibang bar na lang siya pupunta. Ayoko namang mangyari 'yon dahil baka kung ano pang mangyaring masama sa kaniya. Mas mabuti ng kasama niya ako.
I also told Timothy what had happened. As I expected, he was so angry with Veence again for trying to get close to his sister. Pero hindi na niya ito nakita pa dahil sa pagkakaalam ko, umalis na siya ulit kasama ni Eya. Neither of our friends had any idea he was coming. Kahit nga yata si Meiko ay hindi alam na na-Ospital ang kuya niya. Maybe because, she's too busy with her own family.
"Alam mo, I'm going to tell you a secret about me." I glanced at Shin as she spoke and spun the ice in her shot glass.
"Sure." sabi ko.
"I don't know how to cook but I know how to mix cocktails." sabi niya na ikinagulat ko.
"How?"
"Well, Kuya and Veence doesn't know about this. Hindi ko rin alam kung bakit pero noong ma-try kong uminom noong high school, naging interesado na ako sa alak. Madalas akong mag-search sa mga internet or pumunta sa mga bar to taste different kinds of cocktails or mixed drinks pero hindi naman ako naglalasing." uminom siya ulit sa shot glass na hawak niya bago muling magsalita. "That's why I think I can help you with Nonagon. Why don't we try to make signature cocktails?"
Napatango ako sa sinabi niya. Nag-usap lang kami about sa mga ideas niya hanggang sa maibalik ang topic sa nangyari kanina.
"By the way, paano niyo nalaman agad ni Eya na nasa kabilang restroom lang kami ni Veence? D-Don't tell me..." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano naman ang ipapalusot ko rito?
"Uhh. A-Actually..." sandali akong nag-iwas ng tingin at nag-isip ng maaaring idahilan sa tanong niya. "W-Wala. Coincidence lang na pupunta akong restroom at ganon din siguro siya."
Tinignan niya lang ako na parang hindi siya naniniwala. Maya maya ay bigla nanaman siyang tumawa.
"B-bakit?" hindi ba kapani-paniwala ang sinabi ko?
"You like Eya no?"
Halos masamid ako sa sarili kong laway after hearing what she said. I thought at first she was just kidding but when a minute had passed, she's still waiting for my answer.
"Lasing ka na ba, Shin?" I tried to laugh but it just sounded fake.
"Sus. Why can't you just admit you're making out with her that time? Mukhang gusto ka rin naman ng babaeng 'yon, laging nakabanggit sa pangalan mo, eh." nakangiting sabi niya. Bigla akong nalungkot.
Kung hindi ko lang alam na gusto ni Eya si Veence, baka kinilig pa ako sa sinabi niya pero hindi, eh. Nagagawa niya pang ngumiti sa ganitong kalagayan, paano nalang kapag nalaman na niya ang totoo?
She was obviously surprised when I ordered Martini. Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya at ininom ito.
"Wow! Sabi mo ayaw mong uminom?" tanong niya.