James
Nagising ako sa ingay na narinig ko sa ibaba ng bahay ko. Agad kong kinusot ang mga mata ko bago magsuot ng puting sando at patungan ng short ang boxer na suot ko. Bumaba ako upang tignan kung ano nag narinig kong ingay at nagulat ako nang makita ang babaeng isang araw na hindi nagparamdam sa akin habang may hawak na kaldero.
"Eya? What are you doing here? And why are you holding that?" Kunot noong tanong ko at tinuro 'yung hawak niya. Napakamot naman siya.
"I don't intend to wake you James, I'm so sorry. Hindi ko lang talaga makita ang mga kasangkapan na hinahanap ko at pagbukas ng cabinet biglang nahulog 'to. Gusto pa naman sana kitang i-surprise sa pagluluto ng breakfast mo." She said, her expression indicated disappointment.
"Hindi mo naman sinabing gusto mo pala na maging chef ko edi sana noon pa lang 'di ba?" Pang-iinis ko at lalo lang siyang napanguso.
"Nag-aral ako ng culinary dahil gusto kong maging chef ng sarili kong restaurant hindi maging chef ng bahay mo." Sabi niya.
Umupo ako sa upuan na nasa tapat ng dining table habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. "Well, you can still cook for me even though gising na ako. Sa lasa mo na lang ako i-surprise."
"Sure. Sisiguraduhin kong makakalimutan mo ang pangalan mo pag natikman mo 'to." She said with confidence. Nagawa niya pa akong kindatan bago magpatuloy sa paghahanap ng kasangkapan.
Habang pinapanood siyang magluto ay hindi ko maiwasang magtaka. Hindi naman ito ang unang beses na pinagluto niya ako but she rarely do this. Pinagluluto niya lang naman ako kapag birthday ko o kaya may sakit ako pero ano bang meron ngayon? Hindi ko naman birthday at wala din naman akong sakit kaya bakit niya ako pinagluluto?
"Bakit pala pinagluluto mo ako?" tanong ko. Hindi niya naman ako nilingon at nag-focus lang sa ginagawa niya pero sumagot pa rin siya.
"Gusto ko lang mag thank you."
"For what?"
"For everything."
"Huh?"
"Just shut up, James. You irk me. I'm trying to focus on this."
Tinawanan ko na lang siya matapos sabihin 'yun at nanahimik na. Baka mamaya sa sobrang inis niya sa'kin ay lagyan niya pa ng lason ang kakainin ko. Madami pang nangangailangan sa'kin kaya ayoko pang mamatay. Wala pa nga akong love life.
Medyo natagalan pa siya sa pagluluto dahil mukhang hindi lang isang putahe ang ginawa niya. Wala namang bago dahil ganito naman lagi ang nangyayari kapag pinagluluto niya ako. Ewan ko ba pero pareho lang naman kami ng course na kinuha pero iba pa rin kapag siya ang nagluluto. Mas nag focus kasi ako sa pag-mix ng mga alak.
"Here's your Sausage Gravy Breakfast Lasagna, Scrambled Eggs With Smoked Salmon, French Toast and a Peach Bellini, sir. Enjoy your breakfast!" nakangiti niyang sabi matapos ihanda ang lahat ng niluto niya sa harapan ko.
"This is too much." sabi ko habang nakatingin sa mga hinanda niya. She just smirked.
"Don't worry, 'yung mga ingredients na nagamit ko ako ang nagdala. Kasangkapan lang ang ginamit ko sa'yo." she explained but I just shook my head.
"That's not what I'm talking about. Wala naman akong pake kahit ano pang gamitin mo sa bahay ko huwag mo lang maisip na labhan pati ang mga damit ko." Natatawa kong biro at kumuha na ng pagkain sa plato ko.
"Of course I won't do that, ayoko ngang maamoy ang mga briefs mong mababaho." Ganti niya naman matapos umupo sa katapat kong upuan at kumuha din ng niluto niya.