e l e v e n

22 3 7
                                    

James

"So tell me about, Sixto. Bakit hindi ko alam ang tungkol sa kaniya?" napaangat ang isang kilay niya habang nagtatanong.

"C'mon kuya, I'm not a kid anymore. Alangan sabihin ko pa sa'yo ang lahat ng nakikilala ko sa buhay ko?" sagot ni Shin at tumango naman si Gab.

"I said, tell me about him." may halong inis na sabi ulit ni, Timo.

Huminga muna ng malalim si Shin bago magsalita hanggang sa ikwento niya rin sa kuya niya kung paano sila nagkakilala gaya ng kwento niya sa'kin.

"And by the way, ang banda ni Sixto ang inarkila ko kagabi sa Nonagon." dagdag ko naman kaya lalo siyang nagtaka.

"How did you meet him? Dahil din ba kay, Eya?" tanong ni Timo at tumango lang ako. "So that Sixto likes you?" napaangat ng balikat si Shin sa tanong sa kaniya.

"I don't know. I never thought that would happen." aniya.

"Pero obvious naman, syempre he likes you that's why he did that." Gab said. She's talking about the kiss.

"You should avoid that man too. Hindi ko pa siya nakikilala." sabi ulit ni Timo at tumango lang naman si, Shin.

Patuloy lang ang usapan hanggang sa ma-interrupt ito nang may dumating sa bahay.

"Shin? Where's Shin? Oh my god, Shin!" agad nilapitan ni Eya si Shin nang mahagip ito ng mata niya. Niyakap niya pa ito ng mahigpit. "How are you? Nalaman ko ang nangyari sa inyo ni Veence."

"How did you know?" tanong ni Shin.

"Gab texted me." sagot niya.

Habang kinakamusta niya si Shin, hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Oh god I missed her. Para rin akong gago eh. Ako 'tong umiwas-iwas tapos ako naman 'tong marupok sa dulo.

"I'll go get some drinks." sabi ko kaya napatingin sila sa akin lalo na si Eya. Bigla niya akong binigyan ng simpleng ngiti, ganun na lang din ako.

Pagdating ko sa kusina, nakita ko si manang na nagtitimpla na pala ng juice.

"Ako na lang po." sabi ko kaya napalingon siya sa'kin.

"Naku ikaw talagang bata ka. Ano pang silbi naming mga kasambahay mo rito? Puro ikaw lang din ang gustong kumilos." natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Masyado pong marami ang nililinis sa bahay. 'Yon na lang po ang asikasuhin niyo." sabi ko at wala na lang siyang nagawa kundi tumango.

Ayoko naman talagang magkaroon na ng kasambahay dito sa bahay ko. Kaso ito kasing si mommy ang kulit. Sabi niya baka daw hindi ko kaya mag-isa dito lalo na't may inaasikaso na rin akong bar. Wala na rin naman akong nagawa kundi pumayag.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now