f o u r t e e n

25 2 6
                                    

James

It's finally Saturday. We just arrived at Timo and Gab's resort. Pareho kaming excited ni Shin na makumpleto nanaman ang barkadahan. Simula kasi noong mag-asawa na ang iba, magkaroon ng pamilya at trabaho, hindi na namin nagawa pang mag-reunion dulot ng walang oras.

"Tito James and Tita Shin!"

Sabay na napabaling ang tingin namin ni Shin sa tumawag sa'min. Nakita ko si Noah na nagmamadaling tumakbo palapit sa amin hanggang sa mayakap niya kami pareho. Anak siya ni Yohan at Meiko, mga kaibigan din namin. Namiss ko ang batang ito, ang laki na niya.

"Who are you with, Noah?" tanong ni Shin at kinurot ang pisngi nito.

"I'm with mommy and daddy. Hurry up! They're waiting for you! The ribbon cutting ceremony will begin later on." Hinila niya kami hanggang sa makapunta kami kung saan gaganapin ang ribbon cutting.

Ang daming tao na nandito pero 'yung mga tukmol agad 'yung nakaagaw ng atensyon ko dahil sa lakas ng mga bunganga nila. Si Yohan, Nathan, Hans, at si Jin. Kasama rin nila si Meiko, Sabrina, Maui at Ela. Lumapit na si Shin sa kanila. Hindi pa rin sila nagbabago. Mga isip bata pa rin pag nagkakasama.

"Oh! Look who's here mga pare. Palakpakan naman natin ang kaisa-isang single ng barkada." sabi ni Hans at nagsipalak-pakan naman ang mga tanga. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao.

"Alam kong mukha akong artista pero huwag niyo na akong palakpakan. Baka lumaki 'yung ulo ko niyan." pagbibiro ko at umakto naman silang masuka-suka.

"Lumapit ka na rito bago pa kita ilunod sa pool." sabi ni Yohan.

Napapailing ako lumapit sa kanila para yakapin sila. Nagdrama naman na umiiyak ang mga kupal. Kung umakto ang mga 'to parang mga hindi pa nagsipag-asawa.

"Namiss ko kayo mga pare huhuhu!" mabakla-baklang sabi ni Jin.

"Kami ba talaga na-miss mo o si Nathan lang?" nakakalokong tanong ni Hans.

"Tangina naman may asawa't anak na ko't lahat Jin ako pa rin?" gulat na tanong ni Nathan. Naglabas lang ng middle finger si Jin at pinaikot-ikot pa ito sa mga mukha namin.

"Tangina niyo rin edi kayo na may asawa't anak." Pag-trashtalk niya kaya nagtawanan kami.

"Uy wag ganiyan, may nasasaktan dito." sabi naman ni Yohan at sabay-sabay silang nagtinginan sa'kin. I just gave them a poker face. Ako nanaman.

"Dudes, I'm fine being single. Busy pa rin naman ako sa business." depensa ko sa mga tingin nila. Paano ba naman kasi ako hindi magiging single kung 'yung babaeng gusto ko may mahal na iba?

"Gago ka 'wag ka puro business. Sabi nga nila money can't buy us happiness kaya gumawa ka pa rin ng pamilya." sabi ni Jin at sinuntok pa 'ko sa braso.

"Wow naman Jin! Englishero ka na parang dati lang pangarap mo lang maging pokpok ah." pang-iinis ni Hans at siya naman ang sinuntok ni Jin pero this time sa mukha na.

"Sinong pokpok ha?" siga na sabi niya. "Pero hayop ka huwag ka maingay baka marinig ka ni, Maui." pahabol na bulong niya kaya mautot-utot kami katatawa.

I can't believe this. Biruin mo nga naman na parang dati lang mga tambay lang kami sa kanto na parang walang patutunguhan ang buhay pero ngayon may mga narating na. Mayroong naging Executive Producer, Professor, Marketing Communications Director, Businessman at Front Office Manager.

See? Sana all.

"Si Veence pala nasaan?" tanong bigla ni Nathan.

I shrugged. Hindi ko naman kasi talaga alam kung nasaan siya ngayon. Kung may balak ba silang pumunta ni Eya o ano. Wala pa rin kasi si Eya. Siguro magkasama nanaman silang dalawa at iyon ang hindi pa alam ng barkada. Sigurado akong clueless sila sa nangyayari kay Shin at Veence.

Treat You BetterWhere stories live. Discover now