bago

0 0 0
                                    

Nung una kang nakita akoy napatingin
Sa porma mong simple pero agaw pansin
Ngitiang mabait,
Mga matang singkit.

Simple man ang porma mo pero rak
Mukha at pangalan mo sakin tumatak
Akala ko di na tayo muling magkikita
Ngunit iba ang balak ng ating tadhana.

Pinakilala ka ng aking tropa
Inaamin ko di ikaw ang una
At ikaw din ang pinaka
Di ko inakala.

Naisip ko noon baka wala lang to
Dahil may iba pang nasa puso ko
Di ko alam kung gano ako kamali
Ngayon sayo ako ay nag aatubili

Ikaw ang aking pinaka mahal
Kahit pa tayo ay hindi pa legal
Mula nung sa direksyon mo ako ay lumingon
Puso koy tumitibok para sayo hanggang ngayon

Nung tayoy muling nagkita
Ako ay sobrang nagulat
Di makapaniwala na sayoy nakaharap
Mukhang natagpuan ko na ang matagal nang hinahanap.

Hindi alam ang gagawin pag ikaw ay andyan
Natatakot gumawa ng ka abnormalan
Sinusubukan kong magpakatino
Kaso di ko mapigilan ang aking pagka gulo

Nag ingay, sumigaw, nang gulo,
Humiyaw, nanghampas at nakipagtalo
Kung maka asta kala mo siraulo
Kaya nagtaka nung sinabi mong ako ay iyong gusto.

Napaisip kung ako ba o ikaw ba may saltik
O kaya naman baka ikaw lang ay sabik
Di ikaw ang unang nagsabi nyan kaya akoy natuto na
Natakot na maloko kaya sayoy di nagtiwala.

Nung tumagal na nakilala ka nahulog ako sayo
Di namalayan na umiibig nanaman ang aking puso
Tanggapin ang katotohanan di ko matanggap
Akoy may gusto sa iba, aking pagpapanggap.

Ngunit iniwan ko pa rin sya para sayo
Kesa naman paasahin ko sya at durugin kanyang puso
Nakasakit ng iba dahil sa pagkalito
Ngunit ngayon masasabi ko na ako ay nagtino

Kung hindi dahil sayo di ako magbabago
Kaya salamat kase nilayo mo ako sa tukso
Nagbago ka, nagbago ako, para sa isat isa
Pagpapakatino ating nakaya

Parehas nalayo tayo sa pahamak
Daang ito sabay nating matatahak
Nanligaw ka ng hindi ko alam
Naging tayo din ng walang kamuwang muwang.

Pero kahit pa ganun ang nangyari sa atin
Di ko itatanggi akoy nagawa mong paligayahin
Akoy walang pagsisisi sa ating relasyon
Masaya na ako at dahil sayo iyon.

Poems By A Lonely CloudWhere stories live. Discover now