Gaano Nga Ba

0 0 0
                                    

Gaano kita kamahal?
Gaano nga ba kita kamahal?
Ilang beses na yan natanong, nagawan ng tula
Ng kanta, ng palabas, ng piyesa
Ng larawan, nilarawan, sinubukan na ipaalam
Gaano ba kita kamahal?
Kahit ilang beses nang natanong
Tanong na walang sagot
Walang sagot hindi dahil di alam
Pero walang sagot dahil di mailarawan
Mga salitang hindi sapat
Para sayo ay maiparamdam
Di sapat para makuha ng tama
Kung gano nga ba kita kamahal
Siguro ang kaya ko lang gawin
Ay sabihin kung ano ang kayang tiisin
Kayang tiisin at gawin at sabihin at damhin
Para lang sayo na aking iniibig
Handang lumayo at lumapit
Handang sumaya at masaktan
Depende na lang sa iyong kagustuhan
Depende na lang kung anong desisyon mo
Hinihingi mo pagbabago?
Humihingi ka ng space?
Ibibigay ko saiyo yan
Kung sa tingin mo dyan ka sasaya
Ngingiti ako at ooo sa gusto mo
Kahit na sa puso ko gusto ko nang mawala
Gusto kitang saktan
Gusto kong magmakaawa
Gusto kitang habulin
Gusto kong lumugod at hingin na ako'y iyong patawarin
Kasi hindi ka naman siguro aalis
Hindi mo naman siguro hihingin na tapusin
Hindi mo naman siguro sasabihin
Na kailangan mo nang lumayo ar magbago
Kung wala akong nagawang mali
Kasi alam kong okay tayo
Tas bigla mong sasabihin tapusin na to
Tangina ang sakit nun
Kasi hinihingi ko lang naman yakap at oras mo
Hinatid mo ko paalis
Hinatid mo ko sa sakayan
Akala ko yun na ang huli
Gustong gusto kong tumalon pababa
Gusto kitang habulin
Gusto kitang yakapin at sabihin
Na pakiusap wag mo na kong paalisin
Please lang wag ka nang umalis
Pero di ko ginawa
Huminga ako ng malalim
At may tumulo na luha
Sabi ko na lang sa aking sarili
"Kung dyan ka sasaya, di bale na na ako'y iyakin."
Kung alam mo lang
Kung alam mo lang kung gano ako kaseryoso sayo
Kung gano kaseryoso yung sagot ko
Na pagtapos ko sasama ako sayo
Kung alam mo lang
Na isa pang tanong mo
Sasama na ko
Kaso wala na
Umalis ka na
Wala na
Hinayaan na kita
Pero kung dyan ka sasaya
Ayos lang, kaya ko naman
Kaya gaano nga ba kita kamahal?
Sasabihin ko na
Sa sobrang pagmamahal ko sayo
Kahit masaktan at mahirapan ako
Kapakanan at kasiyahan mo pa rin ang uunahin ko
Ikaw pa rin ang iisipin ko
Sayo pa rin iikot ang mga desisyon ko
At gusto ko na malaman mo
Na kahit ilang beses kang lumisan
Kahit ilang beses mo akong saktan
Kahit ilang beses at ilang gabi akong lumuha
Sa pagbalik mo, nandito pa rin ako
Bawat pag alis mo
May babalikan ka
Kase ganun kita kamahal.

Poems By A Lonely CloudWhere stories live. Discover now