Three

7.6K 189 2
                                    

Lui's POV

Alam mo yung pakiramdam na naobligahan kang pumasok dahil may quiz.. Tang inang iyan ako'y sasamain dine! Bakit kasi nauso pa ng one seat apart? Kung di laang babagsakin ang grade ko ay hindi na ako papasok...

Putang inang trigonometry ito akala mo ako'y lagi na laang natutuwa sa kanya! Bakit hindi kita magets?! Sabagay, hindi naman talaga ako intersado sayo at pangalawa hinding-hindi naman kita magagamit sa pang-araw-araw na kabuhayan ko.. Hindi rin naman kita for sure yang mga king inang cartesian plain na iyan! quadrant, reflex at mga co terminal na iyan! Kasumapa-sumpa talaga! Nakakasama ng pakilasa.. May sin-cos- cos-sin o cos- sin- sin-cos pang nalalaman eh hindi ko naman magets!

"Mind your own paper!"

Haynaku nagtaray na naman si de Mesa.. Akala mo lagi ay naiigihan.. Gusto kong sabihin sa kanya na minsan din siyang naging estudyante kaya imposibleng hindi siya nanggaya!

Tiningnan ko ang test paper ko! Tang ina gusto kong maiyak! Kailan pa naging numbers ang letters? Im so helpless... Diyos ko po patawarin niyo po ako sa maaari kong gaw-en!

Sinipa ko ang paa ng kung sino mang katabi ko.. Naramdaman kong gumalaw ito ng bahagya..

Dahan-dahan akong yumuko at lumingon ng may kaunting pagsulyap kay Ma'am de Mesa.. Mahirap na at baka mahuli.. "Pagaya naman naman ako..", bulong ko sa katabi ko..

Agad namang inilahad ni seatmate ang kanyang test paper... I was amazed! Wala pang ten minutes ay tapos na siya samantalang ako wala pa ni isang sagot... Pangalan lang nailalagay ko.. Dali-dali akong gumaya sa kanya..

"Ano tong number five hindi ko maintindihan?", bulong ko sa kanya..

"Three square root of twelve..", bulong din nito..

Dali-dali ko iyong isinulat.. "Ah okay salamat.."

"You're welcome baby!"

Natigilan ako sa aking narinig.. Pamilyar ang boses nito.. Marahas ang naging paglingon ko sa katabi ko..Shocks! It was Gio.. Nakangiti ito habang nagkukunwaring binabasa ang kanyang hawak na test paper..

Bakit ba naman kasi nawala sa isip ko na siya nga pala ang katabi ko...Nagkautang na loob pa ko sa kanya!

He turned to me slowly.. He was smiling like a prince charming and I admit he was cute! No I'm not praising this beast.. He's cute like a dog..

"Wag mukha ko ang pag-aralan mo.. Why don't you focus on your paper? Mamaya baka tumulo na naman yang laway mo.."

Nag-init ang magkabilang pisngi ko... Tila nag-akyatan ang dugo ko sa aking ulo... Naalala ko na naman ang nagyari kanina.. Tang-ina ako'y sinasama na! Gusto kong sumbiin ang pagmumukha nito! "You basta---"

"Mr. Benitez! Mr. Belga!", Walang-sabi-sabing lumapit sa amin si Ma'am de Mesa at kinuha ang test paper namin ni Gio.. Pinunit iyon sa harap ng klase... Rinig na rinig ko ang pagsinghap ng aking mga kaklase dahil sa pagkabigla.. "You two! Step out! See you on guidance office tomorrow!"

WWWWWWWWWWWWWWWWHHHHHHHHHHHHHHHHHAAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTTTTTTT??????

No! This could be happening! Wala pa akong naipapasang exam sa trigo tapos magkakarecord pa ko!

Kasalanan lahat ito ni Gio! Una kasalanan ng apelido niya kung bakit kami naging magkatabi! Pangalawa sana hindi na laang niya ako inasar tungkol dun sa--- ah basta!

Nauna ng lumabas si Gio.. Nakangisi pa ang hayop.. Tila bale-wala rito ang nangyari.. Palibhasa matalino ang kumag na ito!

Hindi! Hindi pwede ito! I need to make him pay! Hinabol ko siya..

Beki and the Handsome Beast (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon