Thirteen

4.9K 129 9
                                    

Lui's POV

Kinabig ako ni Gio at saka niyakap mula sa likod habang nasa overlooking kami sa Picnic Grove.. Nakatayo kami habang pinagmamasdan ang Taal Lake at iniintay ang paglubog ng araw..

"Kailan mo ko ipapakilala kay Tito Marwin?", tanong sa akin ni Gio.. He gave me a soft quick kiss on my cheek..

Hindi ako makaimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.. Hanggang nga'y on kasi'y hindi ko pa alam kung paano kong sasabihin sa aking Tito Marwin na ako'y may boyfriend na..

Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Tito.. Alam kong magagalit ito sa akin at baka hindi kami matanggap nito ni Gio..

"Come on baby..", Iniharap ako ni Gio.. "Cheer up!", Itinaas nito ang baba ko.. " Smile, I hate seeing you sad."

"Sorry Gio kung hindi pa kita mapakilala kay Tito Marwin.", Huminga ko ng malalim.. "Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya.. I'm sure magagalit yun at paghihiwalayin tayo nun.."

Ngumiti ito sa akin.. "No presure baby.. Take your time.. Saka three weeks pa lang naman tayo.."

"Thank you..", I was a bit relieved by his words because I also felt guilty.. Nagiguilty ako dahil sa loob ng tatlong linggo naming magnobyo nareng si Gio ay walang ginawa ito kung di ako'y pasayahin at pakiligin..

He always wanted me to be next to him.. Lagi kaming sabay pumasok nito, maglunch at umuwi.. Minsan nagugulat na lang ako sa mga ginagawa nito.. Bigla bigla na laang nitong hahawakan ang aking kamay habang kami'y naglalakad..

Aba'y hindi naiilang itong si Gio sa gaanong eksena even we always hear negative comments from our fellow schoolmates..

Marami akong naging bashers.. Pero hindi ko na pinapansin ang mga iyon as long as masaya ako, as long as na masaya kami ni Gio..

"And besides sa pagkakakilala ko hindi ganun si Tito Marwin.."

"Huh?", Napakunot noo ako..

Tila kahit ito ay nabigla rin sa sinabi.. "Ah what I mean is mukhang mabait naman siguro ang Tito Marwin mo based on your story..  Malay mo he understands.."

Nagkibit balikat lang ako.. Tama ito mabait Tito Marwin ko but I dont think he understands..

"Don't worry that would be the last time I asked you about it.. Just smile for me please.."

Ngumiti ako ng pilit.. Naramdaman ko ang malaking kamay nito sa aking batok.. Napasinghap ako ng maamoy ko ang amoy ng pabango nito.. Isinubsob ako nito sa kanyang dibdib..

"Just forget it, even now please?", wika nitong may himig ng pag-aalala..

Natawa ko sa kanya.. Niyakap ko rin siya.. "Okay Gio no problem..",

Hindi ito umimik bagkus narinig ko ang marahas na pagbuga nito ng hininga.. Tiningala ko siya.. Nakatingin ito sa lawa at bahagyang nakasimangot?

"Problema?",tanong kong napapantastikuhan..

Nanatili pa rin itong nakamasid sa lawa..

"Gio.."

"Dammit! Three weeks na tayo and still "Gio pa rin tawag mo sa akin..", wika nito na may himig ng pagtatampo..

Natawa ako sa kanya.. Big deal ba yun? Anyways ayaw ko naman itong magtampo pa.. Akong si talandi ay isinubsob muli ang mukha sa dibdib nito..

"Sorry po.. Okay from now on I call you 'baby'.. Wag ka na magtampo please at ako'y sasamain sa iyo.... Baby.."

Nang hindi pa rin ito nagsalita at kumibo ay kinagat ko ito sa dibdib.. Napaaray ito..

"Ang sakit n'on ah!"

Beki and the Handsome Beast (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon