Lui's POV
"What about Gio? What do you feel exactly about him?"
Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa halimaw na ito.. Bakit kailangan pa nitong banggitin at tanungin kung anong nararamdaman ko kay Gio?
"Kilala mo yun?"
Tumango lang ito bilang sagot..
I sighed.. "Paano mo siya nakilala? Alam mo pasabi sa kanya na sobrang kinamumuhian ko siya.. He such a conceited icky uncaring selfish beast! Alam mo bang walang araw na hindi nun pinakukulo ang dugo ko? Ako'y lagi na laang sinasama.. Ewan ko ba? Ako talaga'y surang sura na sa kanya... I hate him so much.. Hindi hindi ko mapapatawad ang ugok na yun sa pang-aalipin sa akin, pangti-trip at pang-lalait.. Hindi tao si Gio! Halimaw siya! Tuwang tuwa ang hinayupak na yun kapag nakikitang umuusok ang ilong ko sa galit at kapag ako'y nasasaktan...
Wala akong narinig ni isang komento mula kay Beast.. Marahil ay nagulat ito sa mga narinig na hinaing ko kay Gio.. Hindi ko na napigil ang sarili ko dahil ang sama na talaga ng loob ko...
Nakaramdam ako ng pagkahiya.. Magsasalita na sana ko para humingi ng paumanhin sa mga nasabi ko ng magsalita ito..
"Hindi mo na ba talaga siya kayang patawarin?"
Napapantastikuhang napatitig ako sa kanya.. "Kaibigan ka nga niya siguro.. Ganito sabihin mo sa kaibigan mong hudas na never ko siyang mapapatawad.. Lalo na yung ginawa niya sa akin sa gitna ng kalye noong thursday night.. Saka isa pa hindi naman siya nahingi ng sorry so bakit ko siya papatawarin? And besides kahit humingi pa siya ng sorry hindi ko yun ibibigay sa kanya.. Saka asa ka pa! Sa hilatsa ng mukha ng unggoy na yun hindi yun hihingi ng tawad..."
Narinig ko ang pagbugtong hininga nito.. "Hindi siya hihingi ng tawad sayo dahil hindi raw niya pinagsisihan ang ginawa niya sayo nung thursday night.."
Namilog ang mga mata ko sa narinig.. Si tanga nagawa pang ipagsabi sa iba ang ginawa.. Wala talagang modo itong si Gio!
"Hindi niya pinagsisihan dahil gusto talaga niya iyon... He truly wanted to kiss you.." Tumigil ito saglit at ipinagpatuloy ang pagsasalita, bumulong ito.. "So badly.."
Tila naestatwa na naman ako.. Ang paraan ng pagbulong ni Beast ay narinig ko na noon.. Napatanga na lang ako kay Beast.. Could it be I am dancing with...?"
Inalis nito ang suot sa ulo at halos lumaglag ang aking panga sa nakita.. Tang ina all through out Im dancing with Gio! Pinaglaruan na naman ako ng hayop na ito..
Ganan talaga kapag barbie.. Maganda lang pero pinaglalaruan..
"Im sorry kung naging salbahe ako sayo pero hindi hindi ako magso-sorry sa paghalik ko sayo.."
Tiningnan ko siya ng matalim bago ako humakbang palayo sa kanya.. Pero bigla niya kong hinawakan sa braso at hinapit palapit sa kanya..
"Bitiwan mo ko kumag ka!", mariing sabi ko sa kanya.. Baka may makapansin sa aming dalawa at maging trending na naman ako sa school..
Nagulat ako sa ginawa nito ng lalo akong hapitin palapit sa kanya.. Suddenly, I was wrapped in his arms...
Gustong kong kumawala sa pagkakayakap nito pero iba ang sinasabi ng nararamdaman ko... I wanted to feel his arms surround me.. I wanted that it invoked me..
"Pakawalan mo ko!"
Sinubukan kong kumawala sa mga bisig nito ngunit di sapat ang lakas ko.. Bahagya akong nahihilo dahil sa ininom kong alak kaya tila wala na kong lakas..
"You wish.. Alangang ikaw lang ang pwede mangyakap.. You must pay for it...Baka nakakalimutan mo nung harrasin mo ko at tsansingan sa dilim.. Kung ako sayo hindi na ko manlalaban.. "
BINABASA MO ANG
Beki and the Handsome Beast (Completed)
Roman d'amourI was truly amazed and inspired by Disney's Enchanting Fairytale Love Story entitled "Beauty and the Beast". Now I want to share to everyone on how I wrote a different version and revised this classic fairytale to a gay romantic- comedy love story...