Lui's POV
"I don't think I could last a day without seeing your face..", Gio said, almost a whisper..
Naramdaman ko na laang ang pag-iinit ng aking magkabilang pisngi at tila nagsasayaw sa galak ang aking puso dahil sa mga narinig ko mula sa bibig nito.. Tang ina sasamain ako sa sobrang kilig..
Sa totoo laang ay ganun din ang aking nararamdaman.. Hindi ko rin ba ga kayang hindi ire makita at makasama bago matapos ang isang araw..
Even a bit..
Even a second..
Mula sa pagkakatingala ko sa langit at bumuba ang aking tingin kay Gio.. Nakahiga ito sa bermuda grass habang ang ulo ay naka-unan sa aking hita..
Natagpuan ko itong nakangiti.. Napangiti rin ako.. Dahil sino ba ga namang mag-a-akala na ang noon kong lubos na kinaasaran ay ang taong ngayo'y aking minamahal..
"Kaya nga sabi ko sa daddy ko, hindi magandang idea na sumunod ako sa kanya at doon na ko tumira sa US kasama siya.."
Nawala ang ngiti ko sa aking narinig.. "Nasa US pala daddy mo?" Tumango lang ito bilang sagot.. "Eh di ika'y doon na titira?"
Tumingala ko sa langit habang naghihintay ng sagot mula kay Gio.. Pakiramdam ko tuloy ay may kumurot sa aking puso.. Aalis na ga ba talaga ito?
Ang daya naman eiy.. Tatlong linggo pa laang kaming magkasama bilang magnobyo and then iiwan na ko agad nito?
Napansin marahil ni Gio ang bigla kong pagtahimik.. Nawala ko sa mood.. Ginagap nito ang kamay ko dahilan para mapatingin muli ako sa kanya..
Nakangiti pa rin ito.. At lalo akong nalungkot sa isiping hindi ko na masisilayan ang ngiti niyang iyon..
Bumangon ito mula sa pagkakahiga sa damuhan.. Umupo ito sa tabi ko at walang sabi- sabing isinampay ang braso sa balikat ko.. He gave a soft quick kiss on my cheek..
"Ang cute mo baby..", wika nitong natatawa.. "Don't worry.. Hindi ako papayag.. I won't say yes to daddy's wanted.."
Napalingon ako sa kanya.. "Talaga?", pangungumpirma ko..
"Sa isang kondisyon.."
"Ano? Ikaw talaga gusto lagi ay may kapalit? Eh anong gusto?"
"Kiss me, torridly..", he puckered his lips, beckoning my lips to kiss him..
Pinitik ko ilong nito.. Natawa ang abnormal kong boyfriend sa ginawa ko.. "Ika'y sira ulo talaga.. Akala mo lagi ako'y natutuwa sa kanyang mga biro.. Don't you see ako'y sasamain na kasi iiwan mo na ko.."
He laughed and hugged me so tight.. "I told you hindi ako pumayag dahil ayokong iwan ka.."
"Aiy pagpalagay na.. Eh ang tanong pumayag ba naman ang daddy mo.."
"Eh di isasama kita sa US.."
"Tanga ka di papayag ang Tito Marwin ko.."
"Itatakas kita.."
Itinulak ko ito.. Paano nitong nagagawang magbiro ngayong ayoko'y sinasama na.. Aiy para akong aatungal na..
"Ikaw nga'y sumeryoso.."
Sumeryoso nga ito.. "I won't leave.. Hindi ako papayag na malayo sayo..Just promise me also na ikaw rin.."
Unti-unting bumalik ang ngiti ko.. Panghahawakan ko ang sinabi nito kahit may pag-aalala pa rin ako..
"Promise.."
Ngumiti ito sabay higa muli sa damo at umunan uli sa hita ko.. He closed his eyes.. Pinakatitigan ko ito at hinaplos ang buhok nito.. Napaka amo ng mukha nito..
BINABASA MO ANG
Beki and the Handsome Beast (Completed)
RomanceI was truly amazed and inspired by Disney's Enchanting Fairytale Love Story entitled "Beauty and the Beast". Now I want to share to everyone on how I wrote a different version and revised this classic fairytale to a gay romantic- comedy love story...