Nine

4.9K 145 13
                                    

Lui's POV

"Hindi ka mabubusog kung titingnan mo lang ako ng masama.."

Inirapan ko laang si Gio.. Dito niya ko dinala sa Si Christina Gateau Sans Rival.. Hindi ako makapaniwalang kumakain ako kasama ang halimaw na ito.. Hindi rin ako makapaniwalang napakasiba nitong kumain..

I was wondering how this young man maintains his good body posture..

"Alam ko na.. Ayaw mo ng pagkain mo..", wika nito sabay taas ng kamay..

"Anong ginagawa mo?"

"Di ba ayaw mo ng pagkain mo.. Ioorder na lang kita ng iba.."

Inawat ko si Gio ng tawagin nito ang waiter.. "No! You don't have to..."

He sighed.. "Fine... Kung susugatan mo lang ang sarili mo gabi - gabi dahil hindi ka marunong magluto, I suggest na magpadeliver na lang tayo or kumain na lang sa labas.."

"Hoy sinong nagsabi sa iyo na ako'y di marunong magluto? Marunong ako.. Nagkataon laang na ini- imagine ko na ikaw yung manok na china-chop-chop ko.."

Tinawanan ako ng halimaw... "Really? Talagang hate mo ko no?"

"Oo naman.."

"Bukas, magluto ka na.. Ako na lang maghihiwa ng mga dapat hiwain.."

Ngumiti ako.. "Wala ng bukas.. Tapos na.. Bukas na ang judgement day etse exam ko kay Ma'am de Mesa.. Ibig sabihin, wala na tayong pansinan... Wala na tayong dapat pang pag-usapan... Simula bukas hangin na laang tayo sa isa't isa.. 

Ilang sandaling natigilan si Gio bago tumaas ang isang sulok ng labi nito... "Sino naman nagsabi sa'yong tapos na? Wala pa sina Yaya Patty.. Next week pa sila uuwi so maninilbihan ka pa rin sa akin..."

Nanlaki ang aking mga mata sa inusad nito.. "No! Hindi ako papayag sa gusto mo... Wala ng dahilan para manilbihan pa ko sa iyo.."

Sa inis ko'y ipinagpatuloy lang nito ang pagkain.. Tila wala itong narinig..

Bingi ba ito o talagang tanga?

"Wala ng dahilan para manilbihan pa ko sa inyo.. Mayaman ka di ba? So why don't you hire a maid na good for one week?"

Tumingin sa akin si Gio.. Seryoso ang hilatsa ng gwapong mukha nito.. "Ikaw lang kasi ang nakikita kong bagay sa position na yun..."

Nahigit ko ang aking hininga.. Hayop talaga ang putang inang ito.. Mukha ba kong house maid?

"Look Lui, kung magha-hire pa ko ng katulong wala ng oras.. Saka isang linggo lang naman yun.."

"Hoy kung makapagsalita ka parang ang daling linisin at ayusin ng bahay mo! Saka kahit isang araw man yan o isang oras hindi ako papayag sa gusto mong mokong ka!"

Nagkibit balikat lang ito at itinuon muli sa kinakain ang atensyon...

"Okay fine.. Okay lang sa akin pero..."

"Pero ano?"

"Hindi siguro masisiyahan ang tito mo kapag nalaman niya ang nangyari.."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.. Tuso talaga ang hayop na ito... Lagi na laang akong ginigipit.. Hindi na ko natutuwa! Hindi pwedeng malaman ni Tito Marwin ang nangyari.. Pumasa man bukas o hindi, kapag nalaman nito tiyak na yari ako..

Tiyak akong magagalit sa akin ng husto si Tito Marwin kapag nalaman niya ang nangyari.. Nangako ako sa kanyang pagbubutihin ko ang aking pag-aaral at higit sa lahat ay hindi ako gagawa ng ano mang kalokohan...

Saka paano nito nalaman na hindi ko sinasabi kay Tito ang nangyari? Kilala ba nito ang Tito Marwin ko?

No kailangan ko siyang pigilan sa kanyang gustong gawin... He doesn't make sense!

Beki and the Handsome Beast (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon