Lui's POV
Pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay.. Habang pinagmamasdan ko ang pinto ng opisina ni Gio ay di ko mapigilan ang panginginig ng aking katawan..
Pinapunta ako nito sa opisina nito para pag-usapan ang kanyang wedding proposal kay Leigh.. Mayroon na raw itong idea at kung saan iyon gagawin..
Huminga ko ng malalim bago ko iangat ang aking kamay upang kumatok.. Ngunit basta na lang ako natigilan sa isiping hindi ko talaga kayang asikasuhin ang binabalak nitong wedding proposal..
Hindi ko kayang makita ito na lumuluhod at nag-aalok ng kasal sa iba.. Isipin ko pa lang ang tagpong iyon ay sinasama na ko.. Gustuhin man ng utak kong maging masaya para rito pero hindi kaya ng puso ko.. Sabihin man ng utak ko na kalimutan ito ngunit ayaw ng puso ko..
Tumalikod ako at huminga ng malalim.. Hahakbang na sana ko para umlis ngunit hindi makagalaw ang mga paa ko..
Sa totoo lang ay gusto ko itong makita.. Gusto kong makasama itong muli.. God knows how much I missed him..
Ano kaya kung kaibiganin ko na lang itong muli? I know ma-cha-challenge ako rito, pero kapag nakasama ko ito ng matagal tagal pa ay baka mahuli ko ang kiliti nito at dahil dun muli kaming mapapalapit sa isa't isa.. Magiging magkaibigan na kami..
Susundin ko lahat ng gusto nitong mangyari kahit pa umuwi akong luhaan.. Atleast at the end kahit maging kaibigan lang nito ay ayos na.. Sign na rin yun na napatawad na ko nito..
Muli akong pumihit para kumatok.. Pagharap ko ay nawalan ako ng balanse sa panginginig ng aking katawan.. Tang ina babagsak ako! Napapikit ako..
Biglang bumukas ang pinto and a pair of strong arms rescued me from a sure fall.. Infact, napayakap ako sa taong nagbukas ng pinto.. Kapagkuwan ay dumilat ako..
Sa nanlalaking mga mata ay sinalubong ko ang titig ni Gio.. Gosh! Sasamain ako dahil napakalapit ng mukha ko sa mukha niya.. Kaunting galaw na lang ay magdidikit na ang aming mga labi.. Hindi ko magawang kumawala rito dahil na rin siguro sa pagbilis ng tibok ng puso ko..
"Sino ba naman kasing may sabing dito tayo mag-uusap sa labas?"
Sapat ng dahilan ang mga salitang iyon upang bumalik ako sa senses ko.. Kumawala ako rito at inayos ang sarili ko.. Dali-dali ko pang pinulot ang nalaglag kong ballpen..
"I was supposed to---"
"Let's get inside...", putol nito sa sinasabi ko.. Binuksan nito ang pinto at binigyan ako ng espasyo upang makalampas.. Di na kawala sa pandinig ko ang pagla-lock nito ng pinto..
He stepped towards to his desk.. "Please have a sit.." Sabay kaming umupo.. "Want some drink? Coffee, tea, or...what do you want?", alok nito sa akin..
"Ikaw.." Napapantastikuhang tinitigan ako nito.. Nanlaki ang mga mata ko sa aking tinuran dito.. Tang ina talaga gusto kong lumubog sa kinauupuan ko! "Ahmm what I mean is, ikaw anong gusto mo? Ako kasi any would do.."
Nagkibit balikat lang ito.. Inilabas ko ang aking planner mula sa aking bag.. Binuklat buklat ko iyon.. Sa di ko alam na dahilan ay nahulog iyon sa kamay ko.. "Sorry..", sabi ko habang pinupulot ko ang aking planner..
"Are you okay? Bakit parang nate-tense ka?"
Napatitig ako rito.. Seryoso ang mukha nito ngunit halata sa mga mata nito ang pageenjoy.. I knew this facial reaction.. I saw it before..
Pero mas gusto kong ibaon sa lupa ang sarili ko dahil sa clumsiness ko.. Nahalata nito ang pagiging tensyonado ko kaya agad kong inayos ang aking sarili..
BINABASA MO ANG
Beki and the Handsome Beast (Completed)
RomantizmI was truly amazed and inspired by Disney's Enchanting Fairytale Love Story entitled "Beauty and the Beast". Now I want to share to everyone on how I wrote a different version and revised this classic fairytale to a gay romantic- comedy love story...