Lui's POV
Napabugtong hininga na laang ako habang pinagmamasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin.. Ngaling-ngaling kong iumpog ang sarili ko sa sobrang inis.. Bakit kasi napakabobo sa math?
Nawa'y kasiyahan na ko ng tadhana na maipasa ko ang ihahaing exam ng puki ng inang iyang si Ma'am de Mesa next week! Hangad ko rin na matapos na ito agad..
Dahil bukod sa hindi ako natutuwa kay Gio ay mas lalong hindi ako natutuwa sa namumuong damdamin sa loob ko sa tuwing makikita at makakasama ko si Gio..
Pero mukhang malabo pang mangyari yun..
Huhuhuhu
Apat na araw na ang nakakaraan ng makipagkasundo ako kay Gio.. After class diretso kami sa bahay niya para doon magtutor.. Two hours every session.. Hindi naman ako gagabihin kaya ayos laang dahil bukod sa three o'clock ang awas namin eh sa kabilang kanto laang nakatirik ang bahay ni Gio...
Isa pa mas mabuting sa bahay na laang niya ko turuan... Wala kasing alam ang Tito Marwin sa nangyari sa akin.. Pasalamat na laang ako at hindi ito ipinatawag ni ma'am de Mesa dahil for sure sermon ang abot ko rito..
Si Tito Marwin ang bunsong kapatid ng mama ko.. Noong namatay ang mama ko sa isang aksidente at dahil unknown kung sinong ama ko eh ito na ang kumupkop at nagtaguyod sa akin...
Medyo na kokonsensya ko dahil pakiramdam ko na ako ang dahilan kung bakit hindi na ito bumuo ng sariling pamilya.. Pero sabi naman niya masaya naman daw siya na kami laang dalawa..
Mahal na mahal ko ang Tito ko.. Tanggap niya ang buo kong pagkatao...He supports me in everything.. Sobrang bait nito sa akin dahil lahat ng hingiin ko ay ibinibigay nito..
Pwera sa isang bagay..
Ang hanapin pa ang ama ko...
"Lui andyan ka na ba?", narinig kong tanong ni Tito Marwin habang kinakatok ang pinto ng aking kwarto sa labas..
"Opo Tito andito na po ako..", sagot ko.. Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto.. Natagpuan ko si Tito Marwin na nakatayo.. Bihis na bihis ito habang bitbit ang kanyang bag pack at ang isa pang maleta..
"Aalis ka na po? Di ba po kauuwi mo lang po noong isang araw?"
Ibinaba nito ang dalang bag.. Nagbugtong hininga ito bago tumingin sa akin.. "Sayang ang offer eh, pang dagdag tuition mo rin yun... Yumuko ito at binuksan ang isang maleta.. Mula roon ay inilabas nito ang isang painting na siya mismo ang gumawa.. "Maganda ba?"
Sa pagpe-paint ako binubuhay ng tito ko.. Kung saan saan nito inilalako ang mga likha niya na ang presyo ay may kamahalan... At sa tuwing maglalako ito ay inaabot ito ng ilang araw o linggo bago makabalik...
Tumango ako.. "Opo maganda pero mas maganda pa rin ako.."
Tumawa ito sa tinuran ko.. Ginulo-gulo pa nito ang buhok ko bago ibalik sa maleta ang kanyang painting.. "Ikaw talaga? Anong gustong pasalubong?"
"Hmm mga rosas.. Gaya ng nasa painting mo.."
Napakunot ang noo nito.. "Pero yaan na laang lagi ang hinihiling mo?"
"And you never fails to bring it.."
"Then I should bring you another.." Hinawakan nito ang baba ko.. "Mag-ingat ka rito ah.. Aalis na ko..."
Mula sa bintana ng aking kwarto ay tinanaw ko ang aking Tito Marwin habang naglalakad paalis.. Mamimiss ko na naman siya.. Dalangin ko laang ang kanyang kaligtasan at sana makauwi siya agad...
___________________________________________________________________
Lui's POV
Magalang kong binati si Ate Plumette ng salubungin niya ako sa main door.. Isa ito sa katiwala sa bahay ng mga Belga...
"Ahmm si Gio po?", tanong ko..
" Halika..", iginaya ako nito sa malawak na living room kung nasaan si Gio.. "Gio andito na si Lui.."
Tumayo si Gio sa sofa at lumapit sa akin.. "Hi!", bati nito sa akin...
Nginitian ko lang siya..
Sa gulat ko'y hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa sofa.. " I think you need this.."
Napapantastikuhan ako sa aking natagpuan sa table.."Scrabble?"
"Yeah! Hindi muna tayo mag-aaral ngayon dahil maglalaro muna tayo.."
"Seryoso ka?", tanong ko.. Tumango naman ito habang tumataas baba ang kilay at nakangiti.. "Gio ano ka ba? Nakukuha mo pa talagang maglaro? Alam mo ba gang sa isang linggo na ang exam?"
"Alam ko..", sagot nito.. Lumipat ang tingin nito kay Ate Plumette.. "Pakikuha naman po kami ng makakain please?"
Tumango lang ang katulong at nagpaalam bago pumunta ng kusina.... Bumalik ang tingin nito sa akin.. "Ano game na?", pagkasabi niyon ay sumalampak na ito sa sahig...
Tanga talaga ang hayop.. "Gio ano ba ga? Ikaw ga'y kailan seseryoso? Akala mo naman lagi'y ako'y natutuwa sa kanya eh.. Kung di tayo mag-aaral uuwi na laang ako..."
Hindi ko alam kung paanong agad itong nakapunta sa harapan ko parang harangan ako.. "No you won't leave.. Trust me it may help you a lot..."
Napailing-iling na lang ako at napahalukipkip.. Bahala na.. Baka makatulong paglalaro ng scrabble and besides na missed ko ring maglaro nito..
Hinawakan nito ang braso ko na agad ko naman binawi... Umupo ako sa sofa.. Tumabi sa akin si Gio sa umisod ako.. Umisod din ang luko.. Nang iisod ulit ako ay hinawakan niya ko sa bewang dahilan para mapakislot ako..
"Wala ka nang iisuran.. Baka malaglag ka at sumemplang dyan sa sahig.." Inalis nito ang kamay niya sa pagkakahawak sa bewang ko..
"As if you care! Hindi ba't tuwang- tuwa ka kapag nadidisgrasya ko sa harap mo..."
Kumunot ang noo nito sa sinabi ko pero maya- maya ay ngumiti ito.. "Hmm medyo lang naman.."
"Walang hiya ka talaga!", pinitik ko noo nito.. Bahagyang napangiwi ito pero nahiwagaan ako ng bigla itong tumawa...
"Magandang hapon..", sabay kaming napalingon ni Gio sa nagsalita.. Si Aling Patty, ang mayordoma at dating yaya ni
Gio..Dala nito ang isang tray na may dalawang slice ng blue berry cheese cake na nakalagay sa tig-isang saucer at dalawang baso ng chocolate shake..
Tumayo si Gio at kinuha sa matanda ang dala nito.. Ibinaba niya iyon sa coffee table..
"Magandang hapon rin po..", ganting bati niya..
Napatitig ako kay Aling Patty dahil sa ilang beses ko ng nagagawi sa bahay ni Gio at nakikita ang matandang babae ay parang na mumukhaan ko ito...
"Buti naman at bumalik ka.. Malungkot yan kapag wala ka.. Alam mo bang laging kang ikinukwento sa akin----"
"Oops Yaya..", putol ni Gio sa sinasabi ni Yaya Patty.. Dinamapot nito ang kahon ng scrabble bago lumapit sa matanda at akbayan ito.. " Yaya lilipat po kami sa entertainment room..", hinimas himas pa ni Gio ang balikat ng matanda..
"Ah okay sige.. Ako na magdadala ng pagkain ninyo doon. ", Binuhat ng matanda ang tray at umuna ng lumakad..
"Tara na Lui..", aya sa akin ni Gio..
I sighed as I wished na matapos na ang dalawang linggo ng makawala na ko kay Gio.. I could not stand from his practical shows..
Pati yata kay Yaya Patty na naikwento nito ang pangbubully sa akin...
BINABASA MO ANG
Beki and the Handsome Beast (Completed)
RomansI was truly amazed and inspired by Disney's Enchanting Fairytale Love Story entitled "Beauty and the Beast". Now I want to share to everyone on how I wrote a different version and revised this classic fairytale to a gay romantic- comedy love story...