Lui's POV
Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa kay Gio.. Basang basa na ito ng pawis.. Halatang hindi ito sanay sa mga gawaing bahay..
Kanina bago ito magtabas ng damo ng aming bakuran ay pinaglaba ko muna ito ng aming mga kobre kama at pinaglinis ko ng aming alulod...
Inuutusan ko rin ito na ipag type ako ng aking mga term papers at gumawa ng aming mga assignments..
Wala itong magagawa.. Walang magagawa ang kaarogantehan nito at ang pagiging matikas..Kahit pagod na pagod na ito ay wala itong karapatang magreklamo..
Nagmistulan itong isang guwapong aliping sagigilid..
Bakit?
Dahil pumayag itong magpaalipin sa akin para patunayan na totoo ang sinasabi nito at isinigaw sa harap ng maraming tao sa debut party..
Masaya ako dahil napatunayan kong totoo ngang mahal niya ko..
Ngunit natatakot pa rin akong ipakita na may nararamdaman na rin ako para kay Gio.. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin kong pakikitungo sa nararamdaman ko dahil di pa ko nagkaka boyfriend..
Isa pa natatakot din ako sa sasabihin ng ibang tao sa amin.. Bagamat bahagya ng tanggap sa panahon ngayon ang same sex relationship ay hindi pa rin maiiwasan na may mga judgemental na tao..
Saka di ko pa alam kung paano ko sasabihin kay Tito Marwin.. Ni hindi pa nga nito kilala si Gio..
"Baka mamaya tumulo na naman laway mo nan?"
Napaayos ako ng tayo at napatikhim sa sinabing iyon ni Gio.. Nakangiti ito habang nakaupo at naggugupit ng damo..
"Katangahan mo..", wala sa loob na sabi ko.. Lumapit ako sa kanya upang iabot ang baso ng malamig na tubig..
Napalunok ako ng pagkatayo nito ay naghubad ito ng pang-itaas na damit.. Lumantad sa harapan ko ang pawisan ngunit makinis at magandang katawan nito na nasisikatan ng araw...
Ngumiti ito sa akin bago kinuha sa kamay ko ang baso ng malamig na tubig.. Napabugtong hininga na lang ako..
Gusto kong kumuha ng kamera at kunan ito habang umiinom ng tubig.. Mukha itong modelo dahil pati paglagok nito ng tubig ay napakagandang panoorin... Pero tila parang mas magandang lumuhod na lang ako para sambahin ito..
Inilayo nito ang baso sa bibig at tiningnan ng bahagya bago tumingin sa akin.. Nakataas ang isang sulok ng mga labi nito..
"Pahingi pa ko please.."
Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil nanginginig ang kamay kong inabot ang basong walang laman..
"Thanks.."
Napalunok ako bago pumihit patalikod at humakbang patungo sa kinalalagyan ng pitcher na may tubig.. "Shit! Ang init! Wuu!"
Hindi ko alam kung bakit bigla kong pinawisan.. Nag-init ang buong katawan ko.. Ipinaypay ko ang kamay kong walang hawak sa aking dibdib..
___________________________________________________________________________________________________Lui's POV
"Nakakasura! Ang haba naman nito? Aiy paano ko ga ito masasaulo?!" Nasapo ko ang aking noo ng makita ang script na sasauluhin ko sa aming speech class..
Nag-angat ako ng tingin at nahuli kong nakatitig sa akin si Gio at nakangiti..
"Talaga namang tuwang tuwa ka pang nakikitang nahihirapan ako ano?", sita ko sa kanya..
Andito kami sa kwarto ko.. Katatapos lang naming kumain ng hapunan.. Pinapauwi ko na ito ngunit ayaw pa raw nito.. He said that he would stay because he couldn't get enough of being without me...
BINABASA MO ANG
Beki and the Handsome Beast (Completed)
RomanceI was truly amazed and inspired by Disney's Enchanting Fairytale Love Story entitled "Beauty and the Beast". Now I want to share to everyone on how I wrote a different version and revised this classic fairytale to a gay romantic- comedy love story...