Lui's POV
Ito ba ang sinasabi nitong 'favorite place' namin? Ang Picnic Grove? How comes? I've been here before and even I don't remember anything about this place, it feels like I had a bad experience here...
Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang kagandahang taglay ng Taal Lake.. Nakabibingi rin ang dalang malamig na hangin ng lawa.. What a perfect view?
Ibinalik ko ang tingin ko kay Gio.. Nakangiti ito habang nakamasid sa ganda ng tanawin..
Napabugtong-hininga na laang ako.. Kinakailangan kong pakisamahan ito para maipasa ko ang lintek na trigonometry na yan!
Pero wag laang itong mang-aalimura o gagawa ng kalokohan dahil hindi ako magdadalawang isip na sumbiin ito..
"Oh nakatingin ka na naman sa akin.. Baka tumu---"
"Don't you dare!", putol ko sa sinasabi niya..
Tinawanan laang ako ng hayop saka bumaling sa akin.. Kumuha ito mula sa supot ng binili nitong marshmallow ng mapatigil kami sa seven eleven, binuksan saka nilantakan.. Napalunok ako hindi dahil sa natatakam ako sa kinakain nitong marshmallow kung di sa paaran ng pagnguya nito..
Napaka-hot!
Marahil ay napansin nito ang paglunok ko kaya inalok niya ako..
"No thanks.."
Nagkibit-balikat laang ito..
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?"
Naging seryoso ang mukha nito.. Tumayo ito at tumalikod sa akin.. Muli nitong pinagmasdan ang lawa..
"You may start convincing me now.."
Kahit hindi nakaharap ang halimaw na ito ay alam kong aliw na aliw ito..
Sinasabi ko na nga ba eh.. Mali ang naging desisyon kong pagsama dine sa kumag na ire.. Paglalaruan laang ako nito..
No I won't let him to do his practical show..
"Anong convincing ka dyan?!"
Humarap ito sa akin.. Seryoso ang mukha nito pero halatang-halata ang pagkaaliw nito sa nangyayari... "Nuh? Syempre convince mo ako na i-tutor ka.."
Nabigla ako sa sinabi nito.. Ano bang sinasabi nito? Bwiset! Ginigipit niya ko para paglaruan!!
No! Hindi pwede ito!
"And why should I? As far as I know si Ma'am de Mesa mismo ang nagsabi na ikaw ang magtuturo sa akin.. So I don't see anything to convince and to ask you beast!"
Bahagyang kumunot ang noo nito.. Lihim kong pinagalitan ang sarili ko sa ginawang pagtawag sa kanya.. Ngunit namangha ako ng bigla siyang ngumiti..
Yung ngiting pang-asar! Ah ah akala mo lagi ako'y natutuwa na laang eh! Lord patience pa more please!
"Isa pa I need you as you need me.. If ever man na bumagsak ako automatically bagsak ka rin.. Remember yun ang napagkasunduan natin nina Ma'am de Mesa.."
Nagkibit-balikat laang ito.. Mukhang nakumbinsi ko ito sa mga pahayag ko... Minsan pala nakakatulong din pala kapag kalmado kang magsalita..
"Maybe Lui you are right, but wala naman magagawa si Ma'am de Mesa kung umayaw ako sa kasunduan.. And besides baka nakakalimutan mong anak ako ng share holder at board of directors ng ating university.. So I have the connections para di bumagsak at mawala ang pagiging candidate ko as summa cum laude..
"Eh yun naman pala eh! Eh di ako'y idamay mo na! Tutal naman lagi mo kong binubully! Bayad mo na sa akin.."
"Mukha mo!", wika nito na sinundan ng malutong na tawa.. "Sa palagay mo papayag ako na ganoon na lang? Pwede naman eh, just do me ah favor.. Convince me.."
BINABASA MO ANG
Beki and the Handsome Beast (Completed)
RomanceI was truly amazed and inspired by Disney's Enchanting Fairytale Love Story entitled "Beauty and the Beast". Now I want to share to everyone on how I wrote a different version and revised this classic fairytale to a gay romantic- comedy love story...