Lui's POV
"Wake up!"
Nagising ako sa kung sinong marahang niyuyugyog ang aking mga balikat.. Medyo nahihilo pa ko dahil sa tama ng alak na ininom ko sa bar.. Kasabay ng aking paghikab ang pagkusot ko sa aking mga mata..
"We're here.."
Napalingon ako sa pinagmulan ng mga salitang iyon.. Nakita ko si Gio na nakatingin sa akin habang nakangiti..
Kinusot kong muli ang aking mga mata at ikinurapkurap.. Am I dreaming o dala lang ba ito ng aking pagkahilo..
Imposible!
Bakit kasama ko si Gio? Bakit nasa loob ako ng kotse nito? Tang ina ako'y sasamain!
Marahil ay nabasa nito ang pagtataka at katanungan sa aking mukha.. "Sinundo kita sa bar..", seryosong sabi ni Gio.. Huminga ito ng malalim bago muling nagsalita.. "Ang hilig mong tumakas.. Buti na lang natawagan ko si Kiko.."
Nag-iwas ako ng tingin kay Gio nang bigla kong maalala si Kiko.. Ito ang kasama ko kanina sa bar.. Nakacostume pa nga ito ng pangdwende.. Ang natatandaan ko pa ay pupunta ko ng comfort room ng makasalubong ko si Gio..
Nanlaki ang mga mata ko sa aking naalala! Shocks! Hindi ako nagha- hallucinate.. Totoo pa lang ito ang nakita ko..
Parang niyakap ko pa nga ito..
Shit! Marahas ang naging paglingon ko kay Gio.. Natagpuan ko itong nakangiti at noon ko lamang napagtuunan ng pansin ang suot nito.. He was wearing an over all royal blue prince charming costume..
"Bakit ka nakaganyan?", sa wakas ay nakapagsalita na rin ako.. "Saka paano mo natawagan si Kiko? Close ba kayo? Saka bakit kailangan mo pa kong sundan sa bar? Bakit ang ----"
"Ikaw bakit ka umalis?", putol nito sa sinasabi ko.. "After mo kong pagsamantahan kanina iiwan mo na lang ako ng ganun?"
Pakiramdam ko'y tumaas lahat ng dugo sa ulo ko kasabay ang matinding kilabot sa batok ko dahil sa narinig ko mula sa bibig nito.. Nag-init ang pisngi ko.. Bakit kailangan pa nitong ipaalala nito iyon?
Nakaramdam ako ng pagkailang at pagkahiya...
"Bakit ka namumula?", pang-aasar nito sa akin.. "Masarap nama---"
"Shut up you pervert!", saway ko rito.. Tinawanan lang ako nito.. "Ano bang kailangan mo?!"
"Ngayon na proposal ko..."
Tila nabingi ako sa narinig ko.. Alam ko naman na darating din ang araw na ito ngunit di ko inaasahan na ganito kabilis ang pangyayari.. Kung ganun ay nandito na si Leigh.. So technically good bye Gio na ko.. Bakit biglaan?
Hindi man lang ako inabisahan nito.. Ni hindi pa nga kami tapos sa pagpaplano.. Wala pa kaming natatapos actually..
Takte ako'y sasamain.. Sira na nga love life ko posible pang mawalan pa ng ningning ang career ko sa ginagawa nito..
Pero mas sasamain ako kung totoo ngang ngayon ang proposal nito kay Leigh.. Hindi ko kayang makita ito na nagpopropose sa iba.. Parang pinipiga ang puso ko.. Diyos ko po.. Kunin niyo na ko..
Nag-iwas ako ng tingin kay Gio.. Nagkunwari akong humikab para kunwari yun ang dahilan kung bakit namamasa masa ang aking mga mata.. "Kai- kailan pa dumating si Leigh? Saka bakit di mo sinabi sa akin agad.. Wala tayong preparation..", wala sa loob na sita ko kay Gio..
"Sinong Leigh?", tanong nito..
Napalingon ako sa tanong nito.. Natagpuan kong nakangiti ito at aliw na aliw habang pinagmamasdan ako..
"Si Leigh! Yung girlfriend mo.."
"Walang akong girlfriend.."
Naningkit ang mga mata ko.. "Alam mo para kang tanga.. Umayos ka nga! Kung wala kang girlfriend sino si Leigh?!"
Bumugtong hininga ito bago bumaba ng kotse.. Humakbang ito di kalayuan sa kotse nito kung saan ako nakasakay..
Bumaba rin ako at sinundan ito.. "Hoy saan ka pupunta? Wag mo kong i--- aiy!" Nagulat ko ng may lumapit sa aking lalaki.. Nakasuot ito ng parang salamangkero.. "Sino ka?!"
Ngumiti laang ito.. Natatakot ako sa hitsura nito.. Di kaya member ito ng kulto? Maya maya pa'y may dinukot ito sa kanyang bulsa at ibinuhos sa akin..
The next thing I know ay nakasuot na kong ng over all yellow gold prince charming costume with black boots.. Paano nangyari yun? Para tuloy akong male version ni Belle ng Beauty and the Beast..
Magtatanong pa sana ko ng biglang may dumating na karawahe.. Nagulat ako ng makita sina Teddy at Arny.. Nakacostume din ang mg ito ng pangdwende..
Si Teddy ang coach man at si Arny naman ang footman.. Lumapit sa akin si Arny at inalalayan ako papasok ng karawahe..
"Teka lang anong meron?!"
"Proposal po ni Sir Gio.."
"Teka lang ano ba-----"
"Lui!"
"Napalingon ako sa tumawag sa akin.. It was Miss Ellaine.. Nakapang fairygod mother ito.. Itinaas nito at pinaikot-ikot sa ere ang dala nitong stick sabay turo sa dadaanan ng karawahe..
Napanganga ko ng biglang lumiwanag ang buong kapaligiran dahil sa mga ilaw na dala ng maliliit ng bombilya kasabay ang pagliwanag ng iba't ibang kulay ng fire wokrs sa himapapawid.. Pumailanglang din ang isang musikang likha ng violin..
Tila nasa isang enchated garden ako.. Perfect ang pagkakagawa ng arko pang entourage.. This too much for a wedding proposal..
"Have fun Lui!"
Muli akong napalingon kay Miss Ellaine.. Kung titingnan mo ito ay mukhang kilig na kilig at excited na excited ito..
Matter of fact.. Ganoon din ako.. May sayang biglang namumuo sa aking damdamin.. Sana'y tama ang kutob ko..
Ngiti lang ang isinagot ko kay Miss Ellaine.. Ewan ko ba? Iba talaga ang kutob ko..
"Shall we?"
Tango lang ang isinagot ko kay Teddy.. At yun na nga lumakad na ang kabayo papasok sa enchanted garden.. Hindi na ko mapakali.. Ewan ko ba para kong natatae!
Kinikilig ako pero pinipigilan ko.. Mahirap na bagang magexpect...
Maya maya pa'y huminto na sa paglakad ang dalawang puting kabayo.. "Andito na po tayo..", anunsyo ni Arny sa akin.. Inalalayan ako nito pagbaba at iginaya sa gitna ng hardin..
"Hindi ko alam kung manhid ka o tanga.. Hindi ko rin alam kung matatawa ako sayo o maiinis.."
Napalingon ako sa nagsalita mula aking likuran.. It was Gio.. Pero sa gulat ko'y nasa likod din nito sina Tito Marwin, Kiko at ang mga ilang importanteng tao sa buhay ko..
"Let me tell you a story.. You have to listen..", Gio said..
BINABASA MO ANG
Beki and the Handsome Beast (Completed)
Lãng mạnI was truly amazed and inspired by Disney's Enchanting Fairytale Love Story entitled "Beauty and the Beast". Now I want to share to everyone on how I wrote a different version and revised this classic fairytale to a gay romantic- comedy love story...