Zion's POV
Pagkalabas ni Gwen ay sumubok na ulit kami sa suntukan. Ang aangas ng itsura nila pero mga mahihina naman.
"Mikoto!" Sigaw ni Jack. Umilag naman si Miko at sinuntok ang papalapit sa kanya. Nakahandusay na ang pito sa kanila.
"What now?" Ani Hyun Woo. "You're too weak to be our rival."
"Sumuko na kayo." Sabi ko, ngumisi naman sila. "Ayaw niyo ha." Inunahan ko nang sinuntok si Martin, siya ang nag-text sa akin kanina.
Tinapos na rin ng apat ang dalawa.
Hinawakan ko ang leeg ni Martin.
"Huwag na huwag na kayong bumalik dito kung ayaw niyo pang mamatay." Sabi ko sa kanya.
"Hindi mangyayari 'yon, magkikita pa tayo sa kulungan." Sabi niya at dinuraan ako.
Ampota bastos to ah! Sinuntok ko ng malakas ang tiyan niya! Sumuka naman siya ng dugo at napahandusay sa malamig at mainit na sahig dito sa roof top.
Napatumba na namin ang lahat. Sila 'tong papasok-pasok sa teritoryo namin tapos wala din namang napala kahit may dala silang
"Paano 'yan, parang nakita ata ni Gwen na nag-iba ang mata natin?" Tanong ko kay Michael. Tumango naman siya.
"Absolutely right," sabi niya at pinunasan ang duguang labi.
Narinig ng tatlo iyon.
"What? Pinakita niyo kay Gwen?!" Sigaw ni Jack.
"Anong magagawa namin? Baka mapahamak pa siya dito 'pag naglagi pa. Pati ata 'tong mga galos natin nakita niya pero naghilom na." Sagot ko naman sa kanya.
Napabuntong hininga silang apat.
"Nangyari na, tapos na. Kailangan na lang ata niyang malaman kung anong tunay na anyo natin." Sabi ko.
"No, that'll never gonna happen." Sagot naman ni Jack. "Tara na sa room."
Naglakad na kami papuntang private room namin malapit sa rooftop at naligo at nagbihis. Saka na kami lalabas dahil napagod kami.
"Speaking of, ano pala ang dapat natin malaman kay Gwen? Diba may sasabihin siya sana kagabi?" Sabi ni Mike.
Napahinto kami nang may kumatok sa pinto.
"Guys?" Parang boses ni Aika.
Napatayo ako sa binuksan ang pinto.
"Si Gwen kasi, she's not in the room." Sabi niya.
Napatingin naman ako sa apat.
Teka, bakit niya alam ang kwartong 'to?
"Ahh, sinabi ko sa kanya." Sabi ni Mikoto. Tsk tsk, mga Hapon nga naman.
"What now? Are you going to help me to find her or nah? I'm leaving." Sabi ni Aika. Napatayo si Jack.
"Didn't you texted her?"
"Yes, I did. But she's not replying. Also we called her. Pati si Min naghahanap na rin. Is there something happened?" Tanong niya.
Doon na ako bumalik sa huwisyo ko... lumabas na ko at nagsimulang hanapin siya. Nagtanong-tanong ako sa mga estudyanteng nababangga ko.
"Nakita niyo ba si Gwen Ventura?"
Ang iba'y umiling, 'yong iba sinabing hindi nila kilala.
Tch, Gwen. Where the hell are you?
Makalipas ang ilang oras sa paghahanap sa kanya, hindi namin siya nakita kaya nagpa-blater na kami sa mga pulis.
"Mga iho, kalma lang. Pinakalat na namin sa ibang lugar ang ibang pulis kung saan siya pwedeng nagpunta." Sabi ni chief.