Chapter 18: What They Want

17 1 0
                                    

Jack's POV

Hours ago..

"Handa akong makinig. Huwag mo lang akong ipagtulakan ulit." Nagsimula na naman siyang lumuha kaya niyakap ko siya.

How can this girl be so important to me? Gusto ko siyang huwag makitang umiiyak na ako ang dahilan. Nasasaktan rin ako.

Humiwalay siya sa yakap. Wala akong pakialam kung tinitignan kami ng iba.

Hinila ko siya papunta sa mini park ng school. Dito, konti lang ang dumadaan. Naupo kami sa bakanteng upuan. Tahimik pa rin kami ng magsalita siya.

"Sorry."

"Para saan?" Wala naman siyang ginawang mali sa akin. Hindi na siya sumagot. Tinignan ko siya, natungo at nakangisi. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. "May problema ba?" tanong ko, "Handa akong makinig, Gwen."

Nabaling ang tingin niya sa akin. "'Di ba dapat ikaw ang may gustong sabihin?" Napakamot ako sa batok ko sa sinabi niya.

Tanga mo talaga, Jack!

Ngumiti ako pero alam kong peke ang ngiti ko. Bumuntong hininga ako at saka hinarap siya.
"Ako dapat ang humingi ng sorry," panimula ko, "alam kong wala kang mali sa amin. Ginawa ko lang 'yon kasi malaki ang galit ko sa kaniya. Dinagdagan pa niya. I also didn't expect him to study here. Nagpakalayo na nga ako, sumusunod naman siya. Alam mo ba kung ano ang ginawa niya noon?" Tumulo na ang luha ko.
"Pinatay niya ang kapatid ko pati si Mama. Depress ako kaya ako pinadala ni Papa dito... kaya ko nakilala silang apat. Sila ang naging sandalan ko sa mga araw na 'yon. Siguro nine years old pa lang kami no'ng nagkakilala kami. Pero hindi ko talaga aakalaing mapapatay ni Evans ang kapatid ko. Sa mura niyang edad... nang dahil lang sa selos. For godsake she's only 8 years old that time!" Napasigaw na ako.
"Ni hindi ko man lang nagawang tulungan siya... ang kapatid ko."

Ang sakit pa rin alalahanin ang nakaraan.

"I...I'm sorry to hear that. I don't know how to comfort you by words." Sabi niya at niyakap ako.

Hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya habang

"Maybe he has reasons why he'd do that," sabi niya. "Not all can do that without reasons. Maybe he got a message from anyone to do it. But I think it's not my words how to describe it."

"Evans still only 10 years old back then. Sa murang edad niyang 'yon..." kumalas ako sa balikat niya. "Maybe you're right. Maybe he has reasons. But still I can't forgive him. Hindi man kami masyadong nakakapaglaro ng kapatid ko, mahal ko naman siya. Siguro kung dito lang siya... makikilala mo rin siya. Pero hindi iyon ang punto ngayon. Gusto kong magkaroon ng hustisya si Mama at Jessi."

Bahagya siyang ngumiti pero napakunot noo agad nang may nakita siya sa likod ko.

"You're here, huh? Talking about the past?" Si Evans. Papalapit sa amin at nakangisi.

Biglang dumilim ang paningin ko kaya tumayo ako.

Susugod na ako sa kaniya kaya lang hinawakan ni Gwen ang braso ko at umiling. Kinuha ko ang kamay niyang nakakapit sa akin nang hindi siya nililingon.

Tirik ang araw. Pero ramdam kong iiba ang anyo ko ngayong parang sasabog na ako sa galit.

"Go now, Gwen," I can sense her staying here. But I can't allow it. "GO NOW!" Sigaw ko!

Nagulat siya sa sigaw ko at alam kong iiyak na naman siya 'pag umalis siya dito.

Ngumiti ako kahit namumula na ako sa galit, "I'll be fine." Hinalikan ko siya sa noo at niyakap at itinulak palayo sa lugar na 'to.

Band of WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon