Zion's POV
"What's up, guys?"
Nagliwanag ang mata at mukha namin dahil sa tuwa... gising na siya.
Sabay kaming lumapit sa kanya at niyakap. Hindi kami makapaniwalang mabuti ang kalagayan niya... kesa kaninang nag-wild siya at parang hindi na kami kilala.
"God, thank you!" Sigaw ni Tita Belle.
"How are you feeling, Gwen?" Tanong ni Tito Rick.
Napakunot ang noo niya.
"I'm Jack's father. Nice to meet you."
"Base sa nakikita namin, na overcome na ni Gwen ang coma at parang walang may nangyaring amnesia sa kanya." Sabi ng doktor. "For now, let's just wait for possibilities na babalik ang pagsakit ng ulo niya."
Hindi naman maiiwasan ang pagsakit ng ulo ng pasyente na dahilan ng aksidente at kakagaling lang sa mahabang pagtulog. Baka may nabuong dugo sa ulo niya.
Lumabas na ang doktor.
"Anak, 'wag mo na ulit 'yon gagawin." Sabi ni Tita.
"Ma," tawag ni Gwen kay Tita.
Niyakap siya ni Tita at pati si Kuya Sid.
-
Earlier na umuwi si Jack sa bahay, narinig na lang naming umungol si Gwen kaya napatigil kami sa pag-uusap. Nakamulat ang mata niya at tulala sa kisama. Dahan-dahan kaming lumapit sa kanya at tinanong kung nakikilala niya ba kami. Kumunot-noo siyang nakatingin sa aming anim at naglipat tingin. Napako ang tingin niya sa akin at kay Mike at bigla na lang siyang sumigaw.
Tinawag ni Aika ang nurse kaya napasok siya sa amin.
Pinakalma niya si Gwen kaya lang hindi niya kinaya kaya lumabas ako at tumakbo sa nurse station para tumawag ng back up kay Gwen. Mahirap na kapag kami ang magpatigil sa kanya, baka masaktan siya.
Pinalabas kami ng doctor nang makarating ito. Napatayo kami sa pinto at sinilip kung anong bang nangyayari. Hindi naman namin naaaninag kaya napaupo kami. Tinawagan ni Hyun Woo si Jack para ibalitang gising na siya. Si Mikoto naman kay Kuya Sid.
Ilang minuto ang nakalipas ng tumayo si Aika at sinilip ang nangyayari.
Maya-maya'y dumating sina Tita at nagulat kaming apat na kasunod ni Jack si Tito Rick.
At narinig na lang namin ang flat line sa loob...
Pero nabuhayan kami ng loob nang lumabas ang nurse at sinabi sa aming gising na siya... in her second life.
-
Nahihirapang makaupo ng maayos si Gwen para lang makaharap kaming lahat. Nakangiti siya na parang walang nangyari kanina.
Niyakap namin siya isa-isa. Nagawa pa naming mag group hug sa sitwasyon 'to.
"Salamat guys." Sabi niya sa amin. Isang salita lang pero napangiti na kami. Ang importante ay gising na siya.
Makalipas ang ilang oras niyang pananahimik sa kama niya ay napatayo ako at naupo sa tabi niya.
"Are you now alright?"
"Never been better. But I thanked all of you for taking care of me." Sagot niya. Naka-benda pa rin ang ulo niya.
Ngumiti siya sa akin at tinignan ang lahat. Masaya. Masaya dahil nalagpasan nila ang sitwasyon para kay Gwen. Pati na rin kami... it's been a month since she's sleeping.
"Akala ko iiwan mo na kami," sabi ko. "Not given that na sinabi ng doctor sa amin noon na baka raw magka-amnesia ka sa nangyari. But we prayed every day na bumuti ka, magising ka at makausap ka namin ulit."
