Chapter 9: What's New?

25 2 0
                                    

Jack's POV

I'm looking for Gwen here at the canteen. Naiwan namin kasi siya kanina. Hindi naman namin sinadya. Si Mike kasi nag-aya na pumunta sa private room nila and we talk some things for Gwen.

At nang matapos kami, nauna na akong nagpunta dito.

Bihirang magsalita si Gwen ngayon. Tahimik niya. Nilapitan ko siya sa table nang natutulala na siya at parang walang ganang kumain.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. Umupo ako sa tapat niya at nilapag ang tray. "Why are you alone?"

Tinignan niya ako at napabuntong hininga siya.

"Kasi kanina ko pa kayo hinahanap para yayain kumain, hindi ko naman kayo mahanap na pito. Kaya nag-iisa ako dito."

Uh-oh, our bad. Ngumiti na lang ako sa kanya at niyayang kumain. Nang matapos, hindi na naman siya nagsalita. Is she mad?

"Galit ka ba?"

Umiling siya. "Nagtatampo lang naman ako. Kakabalik ko lang iiwan niyo na ko agad."

Hay. Want to know why we left her?

After the second class in the morning, exactly break time, nagkayayaan.

Guys, private room. 5 minutes. - text ni Mike. Tinignan namin siyang sabay na anim, maliban kay Gwen na nakatungo sa armchair niya. Siguro pwede naman niyang sabihin na lang sa aming diretso kesa sa itext, sayang sa load.

Tinignan niya kami isa-isa at sinenyasan na huwag na lang namin estorbohin si Gwen.

Isa-isa kaming lumabas sa room para hindi siya magising.

Nang makarating kami sa private room namin, agad yumakap, more likely back hug, si Mikoto kay Aika. Say 'what?' kaming lima sa kanila.

Puro ang dalawa, parang tanga. Ngumingiti ng pilit. Sarap nilang batukan. Mga hapon talaga, oh.

"Ano bang gagawin dito?" Tanong ni Aika, nakayakap pa rin si Mikoto sa kanya.

"Wala ba kayong may napapansin kay Gwen?" Tanong naman ni Mike.

So, ganun na lang? Wala ang isa bubuntungan naman ng back stab?

"Hindi naman sa nang ba-backstab ako ah, pero talagang may kulang eh."

Sa tagal na rin namin kilala si Gwen, kahit na isang buwan namin siyang hindi nakausap noon, ngayong dito na rin ulit siya, at sa tinanong ni Mike parang may kulang nga.

"Ano naman 'yon?" Tanong ko.

"Kasi 'di ba dati, kung may kakaiba sa atin, sinusundan niya tayo. Pero ngayon bakit parang wala siyang pakiramdam na umalis tayo? Tapos bigla na lang siyang tumahimik sa atin kapag nag-uusap-usap tayong walo."

"Baka may problema lang."

"Baka nga... pero, iba eh. Dyahe na nga. Ang hirap nang mabasa isip niya."

Tumango na lang ako.

Oo nga, ano? Noon, lagi siyang pa-trouble kaya kami nakilala. Ngayon, parang hindi na siya nakikipag-usap sa amin. Matagal na siyang nakalabas sa ospital pero kahapon lang siya bumalik at kami pa ang nasorpresa. Hay, ang gulo!

"Let's plan something that will make her happy." Suggest naman ni Min.

Napatango naman kami sa kanya at nagtanong kung ano bang dapat gawin.

"

Pero parang mali eh. Kami-kami lang nagpa-plano tapos wala na rin ibang sina-suggest kasi naman daw na parang ang lame naman. Tsk! Mga babae talaga puro fashion ang iniisip.

Band of WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon