Chapter 5: Awaken

27 2 0
                                    

Jack's POV

"Paano kung hindi na tayo makikilala ni Gwen pagkagising niya?" Tanong ni Aika.

Nandito kami ngayon sa room, lahat ng estudyante umuwi na. We've been here 1 hour ago since dismissal.

"Wala tayong magagawa," sabat ni Zion.

Gwen is still sleeping. 1 month na rin ang nakalipas, at sa isang buwan na 'yon, lagi namin siyang dinadalaw sa ospital after class sa hapon. Pag weekends, magdamag kami ang nagbabantay sa kanya. Kami na ang nag-volunteer sa Mama ni Gwen.

Lumipas ang school fair na hindi kami tumugtog. Sadyang hinihintay namin si Gwen magising.

"Tara na sa ospital. Nag-text na si Tita na kailangan niyang umuwi." Sabi ni Aika.

Nagsitayuan naman kami at lumabas ng room at saka sumakay sa van. Si Miko ang nag-drive.

Pagkarating namin sa ospital, nasa amin na naman ang atensyon ng mga nurse. Who cares? Araw-araw kaming nandito para lang malaman na gising na siya...

"Tita, kami na po ang bahala kay Gwen. Friday naman ngayon." ani Min.

"Naku, salamat at kayo ang naging kaibigan niya. Pasensya na sa estorbo. Naabala pa kayo." Ngumiti si Tita sa amin at hinalikan sa noo si Gwen. Hanggang ngayon nakakabit pa rin sa kanya ang mga aparatus.

Umalis na si Tita at kaming pito ang naiwan. Nagkukuwentuhan lang kami nang tumunog ang phone ni Aika. Napatingin kaming lahat sa kanya nang tumayo siya at napunta sa harap ng pinto.

"Hello, Ma?... Dito po sa ospital... Opo, bukas nalang po ako uuwi... Sige Ma thanks. Bye..." humarap siya sa amin. "Pumayag si Mama na dito na muna ako."

"That's good," sabi naman ni Mikoto. Itong dalawang hapon na 'to parang may something...

"Kayong dalawang hapon, parang may kakaiba sa inyo," sabi ko. "Sa tagal niyo nang magkakilala imposibleng wala."

"Pinagsasabi mo dude?" Si Mikoto.

"Haha. Yeah right, halata nga sa inyo." Sabi naman ni Min.

"Kayo na ba?" – Michael

"Kailan pa?" – Zion

"Stop!" sabay na sigaw ni Mikoto at Aika. "Hindi naman kami." Sagot ni Aika.

"Huwag nga kayong sumigaw." Singit ko.

Napataas ang kilay nilang lahat sa dalawa. Pero, alam kong mayron talaga.

Wait, ba't ko pa sinasabi ang love life nila? Ano naman kung meron nga? Napatayo na lang ako sa pagkakaupo at tinignan ang nahihimbing natutulog na si Gwen.

"Uwi muna ako sa bahay." Sabi ko sa kanila at lumabas. Pero napahinto ako nang magsalita si Zion.

"Dude, dalhan mo kami ng mga damit."

"Ano ako? Tsk! Kung gusto niyong dito matulog, kayo ang umuwi at kumuha ng damit niyo!" Sigaw ko at umalis na.

Hanggang ngayon may inis pa rin ako sa kanila ni Mike. Kasalanan nilang pinakita nila kay Gwen ang pag-iba ng mata nila.

Dinala ko ang van. Isa-isa kami ng susi sa van at mga kotse namin. Pina-duplicate talaga namin noon pa para hindi na magkagulo-gulo sa paghahanap ng susi.

Nakarating na ko sa bahay at napahinto ako sa paglalakad sa sala nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko...

"How are you, son?" si Papa.

"Kailan po kayo nakauwi?" tanong ko sa kanya at niyakap siya.

"Kanina lang."

Nasa Germany nakatira ang mga magulang ko at minsanan sa isang taon lang sila umuuwi dito.

Band of WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon