Gwen's POV
"Oh, nakatunganga ka dyan? Ang aga mo namang mag-emote." Siko sakin ni Min. Hindi ko namalayan na dumating na sila ni Aika.
"Wala 'to," sagot ko at nangalumbaba ulit.
"You sure? Seems like something's bothering you."
"Yes, just don't mind me."
Hindi pa rin sila natinag sa sagot ko kaya hinawakan nila ako sa braso at hinila palabas ng room.
"What are you doing? Guys, let me go!" Pero wala silang naririnig sa sigaw ko.
Badtrip. Embes na kakausapin nila ako ng matino, ginamitan pa ako ng dahas.
Dumiretso kami sa mini park ng school.
"Speak." Si Min.
Napa buntong hininga na lang ako. No choice. Nandito lang naman kami. Isa pa, bestfriends ko na sila.
"Ganito kasi 'yon..."
☆
Nasa jeep kami ni Glenn papuntang school. Hindi ko rin inaasahan na ililibre niya ako ng pamasahe. At isa pa, nakakailang sa mga pasahero. Oo nga't magkamukha kami-kambal ko siya, pero hindi ibig sabihin na maayos na ang buhay namin.
Sa higit anim na taong pagluluksa na akala ko patay na siya, heto siya ngayon, katabi ko, buhay na buhay.
Galit pa rin ako sa kaniya. Hindi pa ito ang oras para kausapin ko siya. Hindi ko pa ako naka move-on sa mga nangyari noon.
"Uy, malapit na tayo." Sabi niya pero hindi ko rin siya tinapunan ng tingin. Parang nandidiri ako sa mukha niya -- nagsinungaling siya sa pamilya.
"Hindi mo ba ako kakausapin kahit sandali lang, Gwen?"
Again, hindi ko siya pinansin. Isang kanto na lang...
"Para po," sigaw ko at naunang bumaba sa jeep. Ramdam ko pa ring nakasunod siya sa akin. Wala akong pakialam. Kahit gusto ko siyang sigawan, hindi ko magawa. Parang bumabara ang lalamunan ko.
'Yung ibang mga estudyante nakatingin sa amin. Sanay naman akong ganito dito sa school. Lahat ng kilos mo, may nagbabantay.
Papasok na ako sa gate ng napahinto ako dahil sa sigaw ni Glenn.
"I'll see you later at home. Mukhang hindi ako makakapasok."
Kahit anong apak niya sa main gate, parang may humaharang na makapasok siya.
"Bampira si Glenn?" Bulong ko.
I'm a fan of Vampire Diaries and The Originals kaya alam ko kung anong ibig sabihin nun. Hindi makakapasok sa isang establishment ang mga bampira kapag walang nag-aallow sa kanila na pumasok.
Binalikan ko si Glenn sa labas pero wala na siya. To think that I'm too confused sa nangyari. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng problema na pumapasok sa buhay ko.
☆
"Say what?" Sigaw ni Aika at Min kaya tinakpan ko ang bibig nilang dalawa.
"Please. Wala kayong pagsasabihan." Tumango naman silang dalawa.
"So, what are you going to do?" - Min
"I don't know."
"If anything happens, we're here to help."
Pasalamat na talaga ako sa kanila dahil sila ang nakilala ko dito. Plus yung 5 guys. Swerte talaga ako kapag mabait ang mga kaibigan ko. Well, enough to called them my bestfriends.
"Tara na. Baka ma late pa tayo sa class." Aya ko sa kanila kaya bumalik na kami sa room. Naabutan namin ang limang nakatunganga sa kani-kanilang bangko. Walang ibang tao dito kundi kami lang.
"What happened to you? You look so damned broken." Sabi ni Aika sa kanila.
Tama naman kasi. Ang noong makinis nilang mukha, ngayon gasgas na. Mukhang nakipagbugbugan.
"We should treat your wounds right now!"
"Don't mind us." Sabat ni Zion at tumingin sa akin. Or not. All of them looked at me.
"Uh, may maitutulong ba ako?" Awkward na tanong ko at ngumiti. Pero nawala ang ngiti ko nang sumeryoso ang mukha nilang lima.
"Denver Glenn Ventura. He's your brother?" Tanong ni Jack.
Bigla akong natigilan. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at pinagpawisan.
Tumango na lang ako sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Kaya pala." Ngisi ni Jack.
"Wait. Is it something about you getting bruised?" Aika asked.
"Tsk. Kung alam lang namin. Hindi na sana kami napalapit sa inyo. Lalo na sayo Gwen."
Bigla akong napaawang-bibig sa sinabi ni Jack.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung alam na namin noon na kapatid mo siya, hindi na sana kami napalapit sayo. Akala namin, si kuya Sid lang ang kapatid mo. Ngayong bumalik na si Glenn at nalaman pa naming kapatid mo siya... ugh!!!"
Alam ko. Alam kong hindi niya kayang ipagpatuloy ang sasabihin niya.
"We're done with you." Pagtatapos niya ang lumabas ng room kasunod ang apat. Tinapik pa ako ni Zion sa balikat bago lumabas.
I'm so devistated. I don't know what to do.
Masakit layuan ng mga kaibigan. At mas masakit na ang taong gusto mo. No. Ang taong mahal ko ang nagsabi ng masasakit na salita na narinig ko.
Napaluhod nalang ako at naiyak. Niyakap ako nila Aika at Min.
"Don't worry about what Jack's said. Siguro hindi niya rin matitiis na mapalayo sayo."
"Mabigat na nga ang problema ko, dinagdagan pa. Ayoko na. Sana hindi na lang ako nabuhay ulit!" Sigaw ko.
My heart hurts so much. I wanna die right now. And I think it's the best day to do it.
Kumalas ako sa yakap nilang dalawa at tumakbo palabas ng campus. Nakisabay pa ang ulan sa lungkot na nararamdaman ko.
Takbo ako ng takbo hanggang sa makaabot sa dalampasigan. Wala akong pakialam kung malakas ang hangin at hampas ng alon kasabay ng pagkulog at kidlat ng langit. All I want is to die right now! Masakit na ang puso ko sa kakatago ng mga problema ko!
"Sorry Mama, Papa, Kuya. Hindi ko na talaga kaya!" Sigaw ko.
"Till next time..."
"Gwen!"
![](https://img.wattpad.com/cover/113969850-288-k440698.jpg)