Zion's POV
Napunta kami sa isang abandonadong bahay. Hindi na alam at inaasahang makikita dito si Gwen. Nasa kabilang pader siya. Napatingin siya sa amin at alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Naka-duck tape ang mga bibig namin.
Pinaupo kami. Gustong lapitan nina Aika at Min si Gwen pero hindi nila nagawa. Sobrang higpit ang pagkakatali sa kamay at paa namin. Parang pinapaso rin kami.
"Hindi alam ni Jack at Mike na kinidnap tayo," rinig kong sabi ni Mikoto. "We should tell them pero sa sitwasyon natin, mahirap gawin 'to." Tumango kami ni Hyun Woo sa kaniya. Napatingin naman sa amin si Aika.
"What are you thinking?" Tanong niya sa isip. Si Mikoto ang sumagot.
"Iniisip namin kung paano sasabihin kay Jack ang sitwasyon nat--"
"Tanga ka ba? Mga tao sila. Hindi nila nababasa isip natin." Singhal naman ni HyunWoo sa kaniya.
Napataas naman ang kilay ni Aika kaya umiling ako.
"What?"
"Ang hirap makipag-usap ng ganito. Pwede naman ata tayo gumawa ng paraan para alisin 'tong duck tape, ano?" Si Mikoto ulit.
"Try mo kaya mauna?" Sabi naman sa kaniya ni Hyun kaya umisod siya at tumalikod kay Hyun.
"Oh, bakit--"
"Nagseselos ka ba Hyun?" Bigla kong tanong kaya napatingin siya sa akin at sinamaan ako ng tingin. Ngumisi ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Nagsimula naman silang dalawa mag-usap.
Hindi ko na pinakinggan ang dalawa. Tumingin ako kay Gwen. May sugat siya sa bibig. Alam ko 'yun kahit may takip ang bibig niya. Nakikita ko.
Sinubukan ko ring basahin ang isip niya para makausap ko siya pero no luck.
"Ayaw talaga. Try muna natin kina Aika."
Umisod siya sa tabi ni Aika at sinubukang kunin ang tape at nagawa din niya pati kay Min.
"Ayan. Hindi kayo napaso sa lubid dahil tao kayo--"
"Gago ka ba?" Sipa sa kaniya ni Hyun.
"Eh totoo naman!"
"Tumigil na kayo," sabi ko sa kanila. "Wala tayong oras para mag-away. Sana makaisip tayo ng paraan kung paano makalabas dito. At mas mabuti rin kapag naiisip niyong nagugutom na tayo."
Dun na sila natahimik at tumungo.
"Gwen? Ayos ka lang ba dyan?" Tanong ni Min. Napatingin siya sa amin at tumango. "We do really think on how to escape here. Nilalamok na rin tayo."
"Ahh. May binabalak kayong tumakas ha?"
Bigla naman akong kinabahan sa nagsalita. Kakaibang aura ang dala niya. Nasa may pintuan siya at nakangisi sa amin.
"Wala na kayong takas dito. Bawat sulok ng bahay may bantay - hunters - kaya kung binabalak niyong tumakas, pakamatay muna kayo." Sabi niya sabay tawa. Nagkatinginan naman kaming lima.
"Who are you?" Tanong ni Aika. Hindi niya talaga magawang manahimik na lang eh, ano? "Pwede bang pakawalan mo na lang kami? Wala kaming alam sa mga tulad niyo! We're just ordinary human na walang kakayahang -- ahh!!!"
"Maingay ka rin pala," sabi niya at lumapit kay Aika at sinabunutan! "Di bale, lahat naman kayo madadala sa dahas kapag sinubukan niyong tumakas!" Sigaw niya!
Napapikit na lang ako. Jack at Mike, kung naririnig mo man ako, tulungan niyo kami.
"No, you are." Sagot naman ni Min kaya sinampal siya ng babae.
"Lagyan niyo nga ng tape 'tong bibig ng dalawang babae!" Sigaw niya sa gwardya sa labas.
Pinilit nilang pumiglas pero napahinto din. Sa pagkakaalam ko, mga witch nga mga 'to. Nagawa nilang patahimikin ang dalawa.
At nang malagyan na sila, bigla na lang sila napahiga.
"Aika! Min! Gumising kayo!" Sigaw ni Gwen sa isip. Naririnig ko siya.
"Zion, please, tulungan niyo ako. Parang binibiyak ang ulo ko!"
"'Wag kang mag-alala, Gwen, gagawa kami ng paraan." Sagot ko sa kaniya at tumango siya. Umiiyak na din siya. Ramdam ko ang hinanakit niya, hindi dahil sa mga sugat kundi dahil ang sariling kapatid niya ang may kagagawan nito.
--
Gwen's POV
"'Wag kang mag-alala, Gwen, gagawa kami ng paraan."
Glenn betrayed us. Specially myself - as his sister. Bakit niya ito nagawa? Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nang mawala siya sa amin?
Mas lalong sumakit ang ulo at dibdib ko. Hindi ko na magawang maibukas ang mga mata ko dahil sa kirot.
Pinilit kong kumalma at nang magawa ko ay ginawa ko na ang tamang paraan para makalabas kami dito.
Dahan-dahan kong kinalas ang tali sa kamay at paa ko. Para hindi nila mahalata na nakalas ko ang tali, tumungo na lang ako. Pagod na rin ang kaluluwa ko. Napasandal ako sa pader at pinikit ang mata.
Umaga na nang magising ako. Ramdam ko na rin ang pagkirot ng balat ko dahil sa lamok. Pati nagugutom na rin ako.
"Ugh!" Ungol ng mga kaibigan ko.
Bigla akong tumayo at lumapit sa kanila.
"Paano-"
"Shh. Bilisan niyo."
Una kong kinalas ang tape at tali kay Zion. Sunod at Aika at Min. Tinulungan naman ni Zion sina Mikoto at Hyun.
Palabas na sana kami nang hinawakan ni Mikoto ang kamay ko.
"I don't think makakalabas pa tayo dito."
"Bakit?"
"Guys..." napatingin kami kay Aika.
At sa isang segundo lang, biglang may humarang na sa dadaanan namin. Tinutukan kami ng baril.
"Totoo nga ang sinabi ni Miss Eve. May plano kayong tumakas." Ngisi ng isa. "Bago pa man ninyo magawa 'yon, dadaan muna kayo sa kamay namin para patayin kayo."
Bago pa man kami kumilos, isa-isa na kami sinugod. Nakaramdam ako ng pagsuntok sa gilid ko kaya napatumba ako.
Halos hindi ko na sila mabilang dahil sa dami nila. Anim lang kami. Wala kaming laban dahil sa pagod at gutom na nararamdaman namin. Mukhang katapusan na nga namin 'to.
Ito na rin siguro ang tamang oras para mailabas ko ang totoong ako.
--
Glenn's POV
"Kamusta ang mga kaibigan mo? Hahaha! May balak pang tumakas--"
Naikuyom ko ang kamao ko. Wala akong kontrol sa sarili ko. Kahit gusto kong tulungan sina Gwen hindi ko magawa. Parang binibiyak ni Eve ang ulo ko!
"Ano sa tingin mo ang dapat gawin, Denver?" Napatingin ako ng masama sa kanya. "Papatayin na ba namin?" Ngisi niya.
Alam kong mali ito dahil kapalit ng buhay ko ang hindi pagsunod sa kanila. At mas lalong ang pagligtas kay Gwen.
"Hindi niya ba alam na naging bampira ka--"
"Miss Eve! May balak tumakas ang mga bata!" Sigaw ni Jun.
Napatayo ako pero pinaupo ulit ni Steve.
"Dito ka lang." Lumabas na silang tatlo. Hindi ko maigalaw ang paa ko. Ito ang isa pang problema. Parang sila nang lahat ang nagpapagalaw ng katawan at isip ko. Lalo na si Eve.
Pumikit ako. Biglang tumulo ang luha ko. Lalong sumakit ang ulo ko ngayong hindi ko na alam kung paano ako makakatakas dito.
I'm so sorry, Gwen.
Bago pa man ako mawalan ng malay, nakaramdam ako ng kamay sa braso ko.
