Zion's POV
We're on the way to school this morning. Pinaharurot namin ang kanya-kanyang sasakyan hanggang sa makaabot sa gate at nag parking sa aming parking lot.
Oo, may sarili kaming parking lot kasi ang pamilya namin ang nagpatayo ng school na 'to.
"Let's go," yaya sa amin ni Jack.
"Woah! There's something happening there." Turo naman ni Mikoto nang makaakyat kami sa 3rd floor.
Lumapit naman si Michael kaya sinundan namin siya.
"Anong gusto kong makita? Na maikli ang palda niyo?..." Si Gwen ata 'to?
Napalapit nga kami at siya nga ang nagsasalita. Ang tindi ng pagsasalita niya na para bang gusto niyang ipakita na hindi siya takot.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa isang estudyante.
"Hindi rin po namin alam. Basta lang daw binangga ang walong 'yan 'yong isa at nagka-sagutan." Sagot niya.
Natapos magparangal si Gwen. Lumapit kami sa kanya before she got slap.
Napahinto ang babae nang hinawakan ni Jack ang kamay niya at tinaboy iyon. Sinagot naman siya ni Jack.
Tumingin ako kay Gwen, parang may hinahanap siya sa bag niya.
"Are you okay?"
"No... I'm not." Sagot niya kay Aika.
Napatalikod ako ulit at kinuyom ko ang kamay ko.
"Ouch!" Daing ni Gwen sa likod namin. Nilapitan ko siya. Hinawakan niya ang ulo niya.
"Let me help you."
Tumango lang siya at inalalayan ko siya hanggang sa clinic. Kinausap ko pa siyang magpahinga muna dito bago bumalik sa room.
Sumunod dito ang anim, pati sina Aika at Min.
"Miss, tawagan mo po kami kung maayos na siya." Sabi ko sa nurse.
"Yes, Sir." Sagot niya. Napatingin uli ako kay Gwen na nakahiga at nakatulog na.
Iniwan na namin siya doon at dumiretso kaming lahat sa room.
Lahat ng tingin nila ay napako sa amin.
"Bakit kasama nila sina Aika at Melanie?" Dinig kong bulong ng isa.
"I don't know, either. Baka naman..."
"Are you going to whisper until the end of this day or what?" Sigaw naman ni Jack. Pinaka-ayaw niya ang ang pag-uusapan kami paharap.
Tumungo nalang silang lahat. Takot lang nila na baka lumabas ang tunay na anyo namin kapag ginalit kami.
Umupo na ako sa upuan ko at nangalumbaba. Lumapit naman ang dalawa nang mailapag sa kani-kanilang upuan ang gamit nila.
"What happened earlier to Gwen?" Tanong ni Melanie kay Aika. Nakatayo silang dalawa sa aming lima.
"We don't know. Naabutan lang namin siyang sinasagot at walong humarang sa kanya." Sagot ni Michael.
"Ahh." Sabi na lang ni Melanie.
Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko.
From: 093067*****
We're here at your school. Come to the roof top after lunch and bet us, you freaks!Napatingin ako sa apat at nakatingin din sa akin. Sinenyasan ko sila habang nakatingin sa phone ko. Alam na namin kung sino 'to.
Ni-screenshot ko nalang at pinag-send sa messenger nila. Nabasa naman nila iyon at tumango lang na para bang sang-ayon.
