Gwen's POV"Oh? Parang binagsakan kayo ng langit at lupa ah." Kakapasok ko pa lang sa room at naabutan kong nakapangalumbaba ang lima. Nilagay ko ang gamit ko sa upuan ko at hinarap sila. "May problema ba?"
Umiling sila. Sakto naman pumasok na rin sina Aika at Min. Dalawang araw lang kami hindi nagkita pero makayakap wagas. Tinapik din nila ang balikat ng lima na hanggang ngayon ay parang ang laki ng problemang dinadala.
"Anyare sa inyo?" tanong ni Aika.
Bumuntong hininga si Mike at tumingin sa amin.
"What's up?" bored niyang sabi.
Napangisi ako at handa na sana silang batukan nang may pumigil sa akin. It's Zamara. Buhay pa pala to?
"How dare you to touch them?" mataray niyang sabi. Tinaasan niya ako ng kilay. Akala niya matatakot ako ha.
Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Who are you to touch me?" Hindi ako natinag, sinamaan ko rin siya ng tingin at kinuha ang kamay niya sa braso ko. Sasampalin niya sana ako kaya lang hindi niya nagawa dahil pumagitna sa amin si Zion.
"Get out!" Sigaw niya sa kapatid. "Huwag ka nang pumasok dito o mapapatay kita." Seryoso ang boses ni Zion. Ngumisi lang si Zamara.
Ramdam ko ang tension sa dalawa. Pati mga kaklase namin tumahimik.
"Oh, really? Sige, tignan lang natin kung sino ang mapapasama sa tingin nila Daddy." Sinamaan niya ulit ako ng tingin bago lumabas.
Humarap sa akin si Zion at awkward na ngumiti at naupo ulit. Okay?
I didn't expect that this day would be worse. She's too early to ruin my day at this early time. Hindi ko alam kung bakit ba ang sama ng tingin niya sa akin. Like duh, I just know her last week like I don't care.
Pero dahil kapatid siya ni Zion, well, siguro naman sana babait 'yon o baka totohanin talaga ni Zion na papatayin siya.
Unti-unting nag-ingay naman sa room hanggang sa biglang umulan kaya isa lang ang ibig sabihin nito, walang flag ceremony.
Dahil sa maaga pa naman, naisip kong pumunta muna sa library. Hindi ko na inabala sina Aika dahil parang may sariling mundo sila ni Mikoto at Mike.
"Oh Gwen? Ang aga mo naman ata?" Bungad ni Ma'am Keith na librarian.
"Ah, may tension kasi sa room Ma'am kaya nagpunta muna ako dito. I need books to read."
Ngumiti lang si ma'am at pumunta na ko sa fiction section at naghanap ng kung anong libro na pwedeng basahin.
Nang makahanap na ko ay bumalik na rin ako sa room. Sakto namang kakapasok lang ng adviser namin kaya tumakbo na ako at naupo sa upuan ko.
"Good morning, I have good news for you." Nagsigawan ang iba na akala mo'y nanalo sa promo. Tumahimik naman agad ng tinapik ni ma'am ang desk. "Well, dahil sa nangyaring pag-iba ng curriculum ng school, nagka-conflict ang schedule ng mga teachers."
Wait, good news ba 'tong sinasabi niya? Parang hindi naman?
"Kaya, napag-isipan ng Principal at ng department head na magkakaroon ng advance knowledge for students. Like music and science para sa college years niyo."
Or not?
"And since for now, Mr. Smith, Chan, Tolentino, Haruta, and Lee. Kayo pa lang ang first band sa school na 'to. And to think that you have the knowledge how to play music instruments, you'll be their tutor since wala pang may nakausap ang principal."
Napanganga ako sa sinabi ni Ma'am. Hindi ko masyadong naintindihan.
"Ma'am. Hinay-hinay lang po." Sabi ko. "Are we really need to do this?"
