Mikoto's POV
Hindi ko alam kung bakit kami pumunta dito sa Sitio Lagos... sa dati naming tirahan. Okay lang naman ang pumunta kami dito pero hindi ko alam kung anong binabalak ni Mike at Hyun Woo. Nakakawalang gana at nakaka-antok ang byahe!
Magliliwanag na rin araw. Halos 4-5 hours ang byahe sa malubak na daan kaya nakakabagod umupo sa sasakyan.
"Matulog ka," sabat ni Zion.
"Tss, manahimik ka diyan!"
"Shut up, both of you! Iwan ko kayo dito!" Sigaw ni Jack kaya natahimik kami hanggang sa marating namin ang daan papunta sa bahay.
Naglakad na kami papasok sa bahay. Walang nag-iba maliban na lang sa maalikabok pagpasok namin.
"Masters, napadaan kayo?" Sabi ni manong sa labas na katiwala namin dito noon pa.
"Ah, napasyal lang po." Sabat ni Mike.
"Ang laki niyo na ah." Napangisi na lang kaming lima kay manong.
"Gusto niyo bang ipalinis ko ang bahay?"
"Kayo po ang bahala, manong." Sabat ko.
"O siya, tawagin ko lang ang mga anak ko para maglinis dito." Sabi niya at umalis.
"Tsk, no'ng wala tayo hindi naglinis. Ngayong dito tayo saka pa lang ipapalinis." Reklamo ni Mike at lumabas ng bahay.
Sumunod kami ni Zion sa kaniya.
"Problema?" Tanong ko.
Umiling siya at nilibot ang tingin sa lumang bahay. "Parang kailan lang, bata pa tayo at masayang naglalaro. Ngayon, may mga problema na tayong pinagkaka-abalahan."
"Gano'n naman talaga ang buhay. Hindi natin inaasahang may darating na pagbabago sa atin. Kahit hindi natin tanggap, wala na tayong magagawa. Nakasalalay sa atin 'yon eh." Sabat ni Zion.
Totoo ngang kahit hinahanap namin ang sagot sa problema hindi namin mahanap. Gusto namin maging normal na tao pero komplikado. Pinanganak kami sa pamilya namin kaya ito na kami.
Abala ang dalawa sa pag-uusap ng may marinig akong ingay.
"Totoo ngang nandito kayo." Sabi ng babaeng nasa harap namin.
"Oh," si Mike. "Sino ka nga ulit?"
Tumawa siya. Baliw ba 'to? "Right, 16 years na rin ang nakalipas kaya hindi niyo na ako nakilala. Gentlemen, I'm Jenny. Long time no see."
Jenny? Jenny... Jenny.
"Ano? Ikaw na ba talaga 'yan?" Sigaw ni Jack. Ano pa, first love niya 'yan. Puppy love kumbaga para sa mga bata.
Tumawa na ulit ang babae, siguro sa reaksyon ni Jack. "Woah, kahit ako hindi ko na kayo nakita pero bakit kilala ko pa rin kayo? Haha." Tinuro niya kami isa-isa. "Jack, Zion, Michael, Mikoto, and Hyun Woo. My five wolf friends." Ngumiti siya pero kami diretso lang ang tingin sa kanya.
"Oh, Jenny! Ano pang ginagawa mo diyan? Maglinis ka na!" Sigaw ni manong sa 'di kalayuan.
"Opo 'Tay, wait lang!" Sigaw niya at hindi kinuha ang tingin sa amin. "May nasabi ba akong masama?" Tanong niya. Napaiwas kami ng tingin.
"Nothing. Sige maglinis ka na." Sabi ni Jack. "May kasama ka ba? Ang laki ng bahay na lilinisin mo. Baka mapagod ka. Babae ka pa naman."
Nagkatinginan kaming apat. Anong gusto niyang iparating? Na mahal niya pa si Jenny hanggang ngayon? Tsk. Komplikado. Kilala ko si Jack. Simula pagkabata magkasama na kami. Hindi naman 'yan ganyan magsalita kung walang inaalalang nakaraan.

BINABASA MO ANG
Band of Wolves
Manusia SerigalaWe are wolves. We loved musics. We fight for one girl...