Chapter 8: Back

25 2 0
                                    

Gwen's POV

One week na ang nakalipas at ngayong araw naman ako babalik sa school. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko na nakalabas na ko sa ospital. Gusto kong sorpresahin sila sa pagbabalik ko.

On the way to school na rin kami nina Kuya at Mama. Hinatid nila ako. Nakausap ko na rin sa Papa noong isang gabi. Masaya siyang mabuti na ang lagay ko at plano niyang umuwi ngayong buwan.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko, nasa backseat kaming pareho at si Kuya ang nagda-drive. Ningitian ako ni Mama at gumanti rin ako.

Napatingin ako sa labas, malapit na kami sa school. At habang papalapit, lalo akong kinakabahan.

Papasok nang gate si Kuya ng magsalita ako. "Kuya, dito na lang. Ma, thank you kasi nandyan kayo parati noong nasa ospital po ako. Kaya lang po, nasa eskwelahan na po tayo. Huwag na po kayong sumunod. Kaya ko na po."

"Sigurado ka ba?" Tanong ni Kuya, tumango naman ako.

"Okay, basta tawagan mo na lang kami kapag may nararamdaman ka ha?"

"Okay po, Ma." Humalik na ako sa pisngi ni Mama at pinat naman ni Kuya ang ulo ko bago ako lumabas ng sasakyan.

Napatingin naman ang mga estudyante sa akin. Parang hindi sila makapaniwala na bumalik na ako, na maayos na ang kalagayan ko. Na kahit ako hindi ko alam kung maayos na ba talaga ako.

Ang iba sa kanila winelcome back ako. Gumanti na lang ako ng ngiti.

Dumiretso na ako sa Principal's office para humingi ng pagkakataong makabalik ako sa klase. Sakto namang nagsusulat lang siya nang makapasok ako.

"Have a sit," sabi niya. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Okay naman po."

"Hindi ka ba nahihirapan?"

Umiling ako, "Hindi naman po. Kaya ko na naman kong gumalaw nang walang tulong. Thank you po sa concern."

Tumango si Mrs. Principal at matiim akong tinitigan.

"I know you've been a lot through, and you're lucky to have second life." Tumango ako sa sinabi niya. "And you have friends that never leave you kahit days, weeks, or months mo pa lang sila nakilala, nandoon sila para tulungan ka."

Tango ulit.

"And I heard from Jack na nasa banda ka nila. Hindi ka ba mahihirapan magpatuloy kumanta?"

Napakunot noo ako at kinaya kong mag sink in sa utak ko kung ano ang sinabi niya.

"I think, kaya ko naman po. Susubukan ko. Pero kung may nagkamali sa amin dahil sa nangyari, I think aalis na rin po ako sa kanila." Sabi ko na lang.

"Maswerte ka sa kanila. Alam mo bang hindi sila tumugtog noong school fair? Dahil nga sa nangyaro sa 'yo. Hindi naman kita bini-blame but I think they plan it dahil wala ka."

Napaisip ako. Hindi ko naman tinanong 'yong lima kung bakit ano ang dahilan. But when she talk about it, I think it's the answer to my questions.

"By the way, Ms. Ventura. Welcome back to this school. Bumawi ka na lang sa next periodical exams para tumaas ang grades mo. Huwag kang magpaka-stress sa nangyayari sa paligid mo. Good luck."

"Thank you, ma'am. I can't promise but I'll try."

"Okay, you may go now. Malapit na rin ang flag ceremony."

Lumabas na ako sa office... at napatigil na lang ako sa pinto nang makita ko ang pito kong friends. Humihingal at parang tumakbo hanggang dito sa taas.

Nakatingin lang ako sa kanila.

Nang makahabol ng hininga nila, sabay silang sumigaw ng, "Welcome back, Wen!"

Wen?

"Bakit Wen?" Tanong ko.

"Para maiba." Sagot naman ni Aika.

"Omo, bogosipeo!" Nag (I miss you!) naman si Min at niyakap nila ako ni Aika.

"Bakit hindi mo man lang kami tinawagan na nakalabas kana pala sa ospital?" Si Jack.

"Surprise sana kaya ganun. Pero ako pa ata ang mas nasurprise." Sabi ko at natawa.

Lumapit at kinuha naman ni Zion ang bag ko at naglakad siya papuntang hagdan pababa sa room. Nauna siyang lumakad kaya tumakbo ako sa gilid niya at kukunin na sana ang bag ko nang itinaas niya ang kamay niya. Edi okay! Siya na matangkad! Kainis!

Inakbayan naman ako ni Mike. "Sorry ulit sa nagawa namin ni Zion."

"Matagal na 'yon. Okay na ko kaya mag move on ka na lang, okay?"

Tinapik naman ni Mikoto ang braso ko at tinanguan ako. Si Hyun Woo naman, nakatingin lang sa akin. Ang tahimik niyang talaga. Bilang ko lang siyang marinig na magsalita.

Pumasok na kami sa room at napangiti ako sa nakasulat sa board.

'Welcome back, Gwen!
From your awesome classmates!'

"Awesome naman talaga na kayo. Thank you, guys. Sa mga dumalaw at nagpadala ng flowers and fruits. Sobrang thankful ako dahil hindi niyo ako nakalimutan. And to think na malayo ang school sa ospital, nag effort kayong pumunta. Sa mga prayers niyo, thank you. Ang lakas lang talaga ni Lord sa inyo kaya sinagot Niya kayo.
Hindi ko man masusuklian ang pagka-friendly niyo, masasabi kong I'm so lucky to be part of your high school life.
May maiiwanan, masasaktan, nagsasaya, umaasa. May umaalis, may bumabalik, at may walang gustong umalis.
Kahit magkakaiba man tayo ng buhay, ugali, at kinaugalian, o paniniwala... masasabi kong ang swerte ko nga talaga na bumalik sa inyo. I'm so happy to be back." I wiped my tears and I bow.

Kahit simpleng effort lang ang ginawa nila sa board, napasabi na rin ako ng speech ko sa harap nilang lahat.

"Speech!" Sigaw ng lahat. Ano ito?

"Tapos na akong magsalita ng speech ah?"

"Hindi naman 'yon speech." Sabi ni Jack. Tsk, loko 'to. Umiyak na nga ako sa sinabi ko niloloko pa ko.

"Ah... bahala kayo. Basta 'yon na 'yon." Sabi ko at tumawa.

Sakto namang pumasok na si ma'am at iniwan rin ang bag dahil flag ceremony na. Pinatabi nila ako sa may lilim ng puno dahil baka daw sumakit ang ulo ko sa init. Tumanggi ako kaya lang si teacher na ang nagpumilit pa. No choice.

Balik classroom na rin kami at kinamusta na rin lang naman ako ni ma'am at nagsimula na siyang magturo.

I'm thankful to God... dahil sa second chance and second life na binigay niya sa akin. Hindi man ako pala-simba, but I'm 'Standing firm in his Faith'.

Siya lang makakatulong sa atin kapag hindi na natin nakakaya kung paano mabuhay ng matagal.

Every one always said, 'If you love your life, then live to the fullest'. Love you family and friends. Love every one inside or out of your world.

Prayers are powerful enough to save ones' life.

And here I am, talking to my friends and bringing more memories with me.

Now, I admit that I can only be with that persons who can protect and save me.

Sabi ko nga kanina; 'May maiiwanan, masasaktan, nagsasaya, umaasa. May umaalis, may bumabalik, at may walang gustong umalis'.

Isa lang din ako sa madali na lang sumuko dahil sa paghihirap kong maabot ang pangarap ko. Pero sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ko, hindi ako nawalan ng pag-asang mabuhay ulit... dahil alam ko at alam nilang makakabalik ako. Babalik ako sa lugar kung saan ko gusto. At itong lugar na 'to, ang eskwelahan, ang isa kong gustong balikan.


Band of WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon