Gwen's POV
Habang pauwi sa bahay, hindi namin maiwasang magkwento ni Kuya tungkol sa kung anong mga nangyayari sa school at office niya.
"Kuya? What if, 'yong mga taong pinagkatiwaalaan mo ay ginawa kang tanga, anong gagawin mo?" Tanong ko.
Napatingin lang siya ulit sa akin at binalik sa daan. "Anong ibig mong sabihin?"
"Example, kung 'yong mga kaibigan ko ay may hindi sila sinasabi sa akin... tapos sa ibang tao ko pa malalaman ang tungkol sa kanila. 'Di ba nakaka-offend?"
"I don't know. Hindi naman dapat lahat ng mga pangyayari sa buhay nila ay kailangan mong malaman. Life is private. Siguro may mga pangyayaring gusto nila sabihin pero hindi lahat."
Napatahimik ako sa sinabi niya.
"Bakit? May sekreto ba silang ayaw nilang sabihin sa 'yo?"
"Alam ko na Kuya, matagal na."
Lumiko na kami sa subdivision ng bahay namin. Hindi na rin nagtanong si Kuya sa sinabi ko.
"Alam ko na rin ang lahat." Sabi niya. Tinigil na ni Kuya ang sasakyan sa labas ng bahay. Kinabahan ako.
"Sinabi ba nila Aika at Min?"
"Nakita ko kanina ang nangyari."
"Kuya--"
"Don't worry, hindi naman ako tutol makipagkaibigan ka sa kanila. Sa tagal na rin na nakilala ko sila at sa ginawa nilang pagbantay sa 'yo, nagkalapit na rin kami ng loob. Mabait naman sila ah."
Napangiti ako sa sinabi ni Kuya.
"Thank you Kuya."
"Pero kapag may isa sa kanilang mag-iba ang loob sa 'yo at vice versa, huwag kang mahiyang magsabi sa akin."
Napalaki ang mata ko. "Kuya, wala naman at hindi mangyayari 'yon."
"Sa ngayon, wala pa. Tignan na lang natin sa susunod." Napangisi siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Labas na. Aalis na ulit ako. May date ako."
Kita mo 'to kung magpalabas sa 'kin... "Sino naman ide-date mo?" Ako naman ang napangisi.
Namula ang pisngi ni Kuya. Hala siya. "Si Ate Rose mo. Actually, first anniversary namin ngayon." Napakamot sa ulo si Kuya at binuksan ang pinto sa tabi ko. "Labas na!"
What?
"Hahahaha! Ayuu Kuya! Hahaha! More years to come! Alam na ba nila Mama 'to?" Hindi ko mapigil ang pagtawa ko. Shocks! 1 year na pala sila tapos hindi ko alam! Wow! Masyadong masekreto kasi.
"Lalabas ka ba o hindi?" Ma-otoridad niya pang sabi sabay irap.
"Haha. Opo lalabas na. Ingat ka na lang Kuya. Hahaha!" Binuksan ko na ang pinto at bumaba.
"Papuntahin mo siya dito sa bahay bukas! Bye!" Sigaw ko na lang at tumawa ulit bago ko isinara ang pinto. Umalis na rin agad si Kuya.
"Gwen, pasok na." Biglang sabi ni Mama sa pinto kaya pumasok na ko. "Saan pupunta Kuya mo?"
"Date daw," sagot ko. "Ma, alam mo bang may girlfriend si Kuya?"
"Oo."
Wow, kung gano'n ako lang ang hindi nakakaalam?
Umakyat na ko sa kwarto at nahiga sa kama. Kinuha ko ang picture frame naming dalawa ni Greg sa bedside table. "Nakaka-miss ka bro." Sabi ko at pumikit.
--
Hyun Woo's POV
We're bored after tonight's dinner at Gwen's house. Nakaupo lang kaming lima sa rooftop ng bahay habang tahimik na umiinom at nakikinig sa ingay ng palaka at mga insekto.
