Chapter 7: Thoughts

30 2 0
                                    

Gwen's POV

Napapangiti na lang ako sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Ang gulo nilang nag-uusap at nagtatawanan. Kahit magkakaiba kami ng ugali, masasabi ko na 'strangers are friends'. At nagpapasalamat akong nakilala ko sila at hindi nila ako iniwan hanggang dito sa ospital.

2 months na rin ang nakalipas ng magising ako. At masasabi kong maayos na ang kalagayan ko. Sa tulong ng daddy ni Jack ay naging maayos ang pakiramdam ko dahil sa therapy na binigay sa akin ng doctor nila.

"Uy, may ngumingiti." Sabi ni Mike. Napaayos ako ng upo at ngumiti sa kanila.

"Gabi na, hindi pa rin ba kayo uuwi?" tanong ko at umiling naman silang lahat.

"Dito kami matutulog. Sorry nakasanayan na namin gawin kapag Friday night." Sagot naman ni Zion.

"Sleepover lang? Ospital kaya dito." Natatawang sabi ko na sinabayan rin ako.

Napatingin naman ako kay Jack at nginitian ako.

"Thank you so much guys, sa tulong na ginawa niyo sa akin. Hindi ko man alam kung paano kayo masusuklian, basta I'll try my best to pay you back."

"Naku, huwag ka nang mag-alala sa nagawa namin sa 'yo, Gwen. We're friends right?" sabi naman ni Aika. "We're worried for what happened. Kaya kami na ang nagbantay sa 'yo bilang sukli na 'yon para naging kaibigan mo kami, unang pasok pa lang namin sa room na nakabanggaan ka."

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Aika. "Thank you for helping me," Nasabi ko na lang.

Ano ba 'tong atmosphere na 'to, matapos naming magsabi ng nararamdaman, tumahimik silang bigla.

I broke their silence. "Nga pala, anong nangyari noon natutulog pa ko? Hindi ko naman matanong sa inyo baka magalit kayo."

Nagkatinginan ang limang boys at tumingin ulit sa akin.

"Ngayong maayos naman na ang pakiramdam mo, maybe it's time to reveal our secrets." Ani Jack at tumingin sa dalawa na sina Aika at Min. "Okay lang sa amin na sabihin ang lahat with them. They're also our friends after all."

Tumango na lang ako at hinintay ang pagsalita ulit ni Jack at saka naman siyang nagsalita. Our eyes is on him.

"Bata pa lang kami, alam na naming lima na magkakaiba kami. We're friends since birth na kahit isa man lang sa amin ay hindi namin magawang iwanan, dahil iniisip rin naman ang pagkakaibigan namin.

"Our parents are one of the most popular things on Earth. They've been doing things that nobody knows what it is. Minsanan lang namin silang nakakasama sa bahay dahil sa nagtatago na sila. Mine's on Germany, Michael's on Taiwan, Mikoto's on Japan, HyunWoo's on Korea and Zion's on Thailand. And since we're our parents sons, naging isa na rin kami sa kanila." Ngumiti si Jack sa aming tatlo, tahimik naman ang ibang boys.

Nagkatinginan ang dalawa na para bang iniisip kung anong ibig sabihin ni Jack.

"Well, in short and in reality... we're wolves."

So, totoo nga 'yong nakita ko kina Zion and Mike noon...

"We're not bad wolves, na akala niyo nag-aatake na kami ng mga tao sa paligid. Hindi kami ganun. Pero may mga bad wolves' nga sa pali-paligid, hindi lang naman sila nagpaparamdam ngayon, pero malakas pa rin ang kutob namin na lalabas sila sa oras na maramdaman nilang nanghihina na kami." Patuloy ni Zion sa sinabi ni Jack.

Napabuntong hininga ang dalawa na para bang may gusto silang itanong. Tinanguan naman sila ni Jack kaya nagsalita na rin si Aika.

"Well... parang ang awkward rin naman itong pag-uusap natin, may gusto lang akong itanong."

Band of WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon