Chapter 11: Chocolate

27 2 0
                                    

Jack's POV

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Mike.

Nasa private room kaming lima. Pinag-uusapan namin kung paano namin kukumbisihin na bumalik si Gwen sa banda. As for all, siya pa rin naman ang vocalist. Natigil lang no'ng na aksidente siya. Hindi naman namin binalak na humanap pa ng iba no'n dahil sa sitwasyon niya.

"Kailangan na natin siyang makausap habang may oras pa." Sagot ko.

Simula kanina, hindi na kami pinansin ni Gwen. Liban na lang kina Aika at Min.

Uwian na rin at masyado nang hapon. Halos 6 PM na.

"Okay," biglang sabi ni Hyun Woo. "Magpatulong tayo kina Aika. Malay natin makumbinsi nila si Gwen."

"Malabo," sagot naman ni Mikoto. "Kanina nakausap daw nila. Ayon, parang hindi na rin ulit pumayag. Kahit pinilit, nakinig na nga at lahat, hindi naman sinabing gusto niya bumalik."

May pag-asa pa kami.

Nagpasya na kaming umuwi dahil sa pagod.

Palapit na kami sa bahay nang maaninag namin ang full moon. Pinatakbo ko na agad ang sasakyan namin. At papasok pa lang ng grahe, nag-iba na ang anyo namin. Buti na lang inapakan ko agad ang preno. Ngayon lang ulit 'to naulit after months. Hindi namin mapipigilan kung ang buwan na ang katapat namin.

Kung itatanong niyong naghahasik kami ng lagim sa lugar na 'to, we're not. Masyado kaming mabait kaya hindi namin iyon ginagawa. More on saving lang kami.

"What now?" Ungol ni Mike.

Lumabas ang dalawang kasambahay at pinagbuksan kami ng pinto ng van at tumakbo papasok ng bahay.

Nagpalipas kami ng ilang oras para bumalik ang anyo namin. Kanya-kanya lang kaming pwesto sa sala.

Ako at Mikoto, nasa sahig. Si Zion at Mike, sa sofa at tulog. Si Hyun Woo, nakatayo at inaaninag ang buwan.

"We better hide ourselves to others. Si Gwen pa lang ang nakakita sa atin. Better not to reveal to Aika and Min." Sabi ko sa isip ko. Tumango naman sila. Lagi kaming nag-uusap sa isip namin kapag ganito ang anyo namin.

Ilang minuto pa ang hinintay bago ko naramdaman ang pagbalik sa pagkatao. Napahikab ako at tumayo na paakyat sana sa hagdan nang magsalita si Zion.

"I know what to do." Napa-"Huh?" na lang kami sa kaniya.

"We must make her smile by simple things. Like giving her flowers, chocolates or anything."

I cut him off. "That's so cliché. At parang ligaw moves naman ang sinasabi mo."

Napa-'tsked' siya sa sanabi ko.

"Ok na rin 'yong chocolates lang." Sabi naman ni Hyun Woo at humikab.

"Ikaw Mikoto? Anong plano mo?"

"I don't know." Sagot niya at naglakad palabas ng bahay.

"Saan ka pupunta?"

Hindi niya kami sinagot. Narinig na lang naming umungol siya at tumakbo palabas ng gate. Kakabalik lang sa pagkatao tapos... Hay.

"Hayaan na natin."

Nagkibit balikat na lang ako at umakyat na lang sa kwarto ko para magpahinga na.

--

Kinabukasan, nagulat na lang akong maraming ingredients na nakakalat sa lamesa. Gising na rin 'yong apat. 5:30 pa lang. Ang aga naman nila?

"Ano 'to?" Bungad ko. Nakapangalumbaba sila kaharap ng mga ingredients.

"Ewan ko nga dito kay Mikoto. Umuwi kagabi na maraming dala." Sagot ni Zion.

Band of WolvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon