Gwen's POV
After class, bumalik kami sa practice room nila. Wala na akong magagawa kasi si Zion na rin ang umakbay sa akin papunta dito. Sumama na rin sina Min Gae at Aika dahil maaga pa naman at sabay kaming uuwi mamaya.
"Hindi ba dapat nagpapa-audition muna kayo bago kayo tumanggap ng vocalist? Bakit ako ang hinatak niyo agad dito? Baka nga hindi magustuhan ng iba ang boses ko." Sabi ko sa kanilang lima.
"Well, audition na rin ang ginawa mo kanina." Ani Hyun Woo.
"What the..." napamura ako sa isip ko.
"Yes. You're too nice to be a vocalist, Gwen. And someone is not interested to join here because I don't know what they are planning to their life." Sabi ni Jack.
Napabuntong hininga ako.
"Gwen, you're lucky na nga kasi ikaw ang pinili." Sabi naman ni Aika.
"Pero bakit ako?" Tanong ko ulit. Mahirap ata makipagtalo sa mga 'to.
"Eh kasi wala pa kaming mahanap na iba. Next Friday na kasi ang showcase para sa mga Grade 11 and transferees. Kaya kung pwede sayo, ikaw muna ang vocalist hanggang sa makahanap kami ng mga bagong members na sasali sa club at magiging vocalist next month." Sabi ni Zion. "Kung wala pa kaming mahanap next month, no choice ka. Ikaw ang magiging vocalist ng grupo hanggang sa maka-graduate tayo." Dagdag pa niya.
Napabuntong hininga na lang ulit ako. Ano pa bang magagawa ko? Nakatingin lang silang lahat sa akin.
"Gwen, let me... No. Let us please take you to be our vocalist." Sabi ni Mikoto.
Huminga akong malalim at pinikit ang mga mata.
Just take it or leave it, Gwen. Para sa freedom mo. Don't be too rush to decide.
Minulat ko ulit ang mga mata ko.
"Can you give me a day just to decide? Ang hirap kasi eh. I just want my family know this first before I give my answer."
Please... please... please... Pumayag kayo!
"Sure!" They all said.
Nice. "Thank you." Sabi ko at ngumiti.
"Ya, chingu, fighting!" Ani Min Gae.
"Min Gae, wala ka sa Korea. Mag tagalog o english ka! Ang hirap mong kausap." Sabi ko sa kanya.
"Mianhae." (Sorry.) "Just call me Melanie."
Nagkuwentuhan lang kami ng kung ano-ano hanggang sa mapag-isipan naming umuwi.
Nagpaiwan ang lima dahil daw sa magpa-practice pa sila. Kaming tatlo nalang ang sabay umuwi.
Pagdating ko sa bahay, nakakunot-noo si Kuya habang nakatingin sa akin sa may pintuan.
"Saan ka galing?" Tanong ni Kuya. Nakataas ang kilay niya. Daig niya pa si Daddy kung magalit.
"School. Nag-text ako sayo 'di ba?" Sagot ko.
"Bakit ka ginabi?"
"Eh kasi nga po may inasikaso pa." Umakyat na ko sa kwarto at nagbihis at nahiga sa kama.
Sa pag-uusap naming walo kanina, unti-unti ko silang nakilala.
Jack Smith: Leader, rapper, lead guitarist.
Michael Chan: Plays the keyboards.
Jung Hyun Woo: Base guitarist.
Mikoto Haruta: Drummer.
Zion Tolentino: Guitarist.
The boys are known to be the most absolute rock band this days. Sa edad nila, masasabi kong mas maganda ang pinagsamahan nila.
BINABASA MO ANG
Band of Wolves
Hombres LoboWe are wolves. We loved musics. We fight for one girl...