"Tulog pa ang prinsesang nakahiga sa kama! Magpatugtog nga tayo para magising" narinig ko sila Nanay at ibang tao sa bahay namin na nasa living room. Akala nila ay tulog pa ako dahil hindi pa ako nalabas ng kwarto.
"Ikaw ang sya'ng ligaya ko'ng nag bibigay sigla sa puso ko, oh giliw ko pakinggan mo ang nais sabihin ng aking puso
Na mahal, mahal na mahal kita hindi ako magbabago asahan mo ito. Mahal mahal na mahal kita ang puso ko'y iyong iyo asahan mong maghihintay sayo 🎶"
Hindi pa rin ako bumangon dahil alas sais pa lang ng umaga. Alas otso pa ako aalis papuntang salon at pagkatapos ay sa dentist para mapaayos ang braces ko. Nagtulog-tulugan ulit ako ng biglang pumasok si Abey sa kwarto, buti na lang at nakita ko agad sya sa salamin na nakaharap sa may pinto.
"Ate Kieye, gising ka na daw sabi ni Tita Des" umupo sya sa tabi ng kama at sinusuklay ang buhok ko.
"It's your smile, your face your lips that I miss, those sweet little eyes that stare at me and make me say I'm with you through all the way
Cause it's you who fills the emptiness in me it changes ev'rything you see when I know I've got you with me 🎶"
Yan naman ang sunod na naririnig ko na tugtog na galing sa salas. Nagkunwari akong nagising sa pagsusuklay ni Abey sa buhok ko.
"Hmm? Tsk! Aga aga pa eh!" Sigaw ko para marinig din nila sa labas.
"Sige bahala ka dyan" at umalis na sya. Narinig ko na sinabi nya ito kay Nanay at nagtawanan na naman sila.
Balak ko na sanang bumangon at lumabas ng kwarto ng may narinig na naman akong kanta na nag dedescribe sa nakaraang buhay pag-ibig ko.
"Mahirap bang pumili at mag pasya? Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna? Kaya ngayon 'di na kita makilala. Kamusta ka na?
Darating din sa akin malilimutan kita, subukan mang pilitin baka nga 'di tayong dalwa
Nanlalamig na damdamin kay tagal mo kasing nawala
Sa araw na uuwi ka meron na akong iba meron na akong iba 🎶"Nanatili lang akong nakaupo sa dulo ng higaan ko at naramdaman ko na naman na parang may tumusok sa dibdib ko. Masakit, kasunod noon ay ang luhang pumatak sa mga mata ko at naalala ko na naman si Jae.
F L A S H B A C K
"Ian! Ano yang nilalaro mo?" Pumasok sya sa kwarto ko dahil naandon ang kapatid ko habang nasa kama at naglalaro.
"Hoy Irvin Jae! Ian! Doon nga kayo sa labas! Dito pa kayo mang-gugulo eh!" Sigaw ko sa kanilang dalawa habang nakadapa silang parehas sa kama at hindi ako pinapansin.
"Ah ganon? Hindi nyo ko papansinin?" Pinapalo ko sila ng unan at hindi pa rin nila ako pinapansin, tawa lang sila ng tawang dalawa na parang nangaasar pa!
"Sige!" Hinigaan ko silang dalawa at biglang humarap si Jae at niyakap ako.
"Love! Ano ba! Hahahah!" Pagpupumiglas ko habang yakap yakap nya ako.
"Gusto mong sumali diba? Hahahah!" At kinikiliti nya ko.
"Isa! Irvin Jae tigilan mo ko! Hahahaha! Tama na!!" Hindi pa rin nya ako binibitawan hanggang napaharap na ako sa kanya at nakayakap pa rin sya.
"Iloveyou love" sabi nya habang nakangiti at titig sya ng nakakatunaw.
Sa sobrang lapit naming dalawa ay medyo naduduling ako. Umiwas ako ng tingin at pumikit.
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Novela JuvenilSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...