Maaga akong nagising kahit na pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahapon. Hindi ko na ginising si Aika dahil kailangan nga nya ng mahabang pahinga, nag iwan na lang ako ng sulat sa table nya at nag paalam kay Tita na kailangan ko ng umalis.
"Kirsten Faiye! Nasan ka na?!" Text ni Nanay sakin dahil maaga dapat kami sa appointment namin with the catering services na napili namin para sa debut ko.
"I'm on my way home, I'm just going to buy breakfast sa jollibee" I replied.
Nakarating na ako sa jollibee at parang pamilyar ang lalaking makakasabay ko papasok, hindi ko makilala ng masyado dahil palingon lingon sya na parang may hinahanap.
Nakapila na ako para omorder ng marinig ko ang lalaking kasunod ko na may kausap sa phone.
"Hello pre? Hello Jae?" Hindi ako pwedeng magkamali ng pandinig sa pangalang narinig ko. Tumingin ako ng palihim sa lalaking kasunod ko at nakilala ko na rin kung sino sya.
Nakapag order na ako at umupo sa bandang dulo ng mga upuan para hindi ako mapansin ng lalaking kasunod ko. Si Stanley nga, classmate ni Jae at Eunice. Isa sya sa mga naging dahilan bakit naging ganon katigas ang mukha ni Jae.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin dumarating ang order ko. Gustong gusto ko ng makaalis dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dito at baka makita ako ni Stanley, oo alam na ng lahat na nakauwi na ako pero ayaw kong makita ako ng mga kaibigan ngayon ni Jae sa personal.
Nakatingin lang ako kay Stanley dahil may salamin sa harap ng table na inuupuan nya, miya't miya rin ang lingon nya na parang may hinihintay kaya nag tatago ako sa bag na dala ko para hindi nya ako makita. Maya maya pa ay dumating na rin ang ibang kaibigan nila ni Jae, si Dwayne at Marion.
Napatingin ako sa entrance ng fast food ng biglang pumasok ang hindi katangkaran, moreno, chinito, mahaba ang buhok, malagong ang boses at payat na lalaki na naka uniform ng university kung saan napasok sila Eunice.
Hindi ko maalis ang mata ko sa kanya dahil kilalang kilala ko ang lalaking iyon kahit malaki na ang pinagbago nya.
Si Irvin Jae Perez Navea. Ang lalaking minahal ko ng sobra. Ang lalaking ibinigay ko at ginawa ang lahat para sa kanya. Ang lalaking kasama ko sa pag buo ng pangarap at masasayang ala-ala. Ang lalaking naging rason bakit ako nagkaganito, at ang lalaking akala ko makakasama ko na sa habang buhay.
Sakto naman na dumating na ang order ko, dali dali kong binitbit ang bag ko at gumawa ng ibang paraan para hindi ako makilala ng mga lalaking nakaupo malapit sa pinto.
"Pre, nakita mo na ba si Faiye?" Narinig kong sambit ni Dwayne kay Jae habang papalabas ako, nanginginig ang tuhod ko na parang nanghihina.
"Ms. Kirsten Faiye Salazar? You have a call. Ms. Kirst..."
Biglang tumunog ang phone ko ng malapit na akong makalabas, buti na lang at napatay ko agad ang tawag at binilisan ko na ang pag papaandar ng motor.
--
"Anung oras na?! Hay nako Kirsten Faiye Prieto Salazar! Time management naman anak!" Sermon ni Nanay sakin habang nakatingin ako sa pagkain ko. Parang nawalan ako ng gana."Maliligo na ko. Nawalan na po ako ng gana. Teka lang" niligpit ko ang pinagkainan ko at naghanda na para sa pupuntahan namin.
"Ano kayang nangyari sa babaeng yun at tulala na parang wala sa sarili" narinig kong sambit ni Nanay habang nagmamake-up ako.
Hindi ko na lang pinansin ang mga chikka nya dahil kailangan kong magmabilis. Gusto ko rin malibang ang sarili ko dahil ayaw kong isipin ang bagay na nangyari kanina.
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Fiksi RemajaSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...