"Malulusaw na ko sa tingin mo, kain ka na. Favourite mo yan diba?" Inaabot nya sakin ang cutlery at kinuha ko ito ng nakatingin pa rin sa kanya.
"Bakit? Anung kailangan mo?" Mahina kong tanong sa kanya.
"Kamusta?" Matipid na tanong nya at tumingin na rin sya sa mata ko.
"I'm good. I'm still the same Kirsten Faiye. How about you and your girl?" nakatingin lang ako sa mata nya at hindi umiiwas. Halos maputol ang metal na tinidor sa daliri ko dahil sa pagcontrol ng emotion ko.
"I'm okay. Ikaw? Okay ka na ba?" Tanong nya pabalik sakin.
"What a question Mr. Navea" I laughed sarcastically.
"Sabi mo ikaw pa rin ang dating Kirsten Faiye, eh bat ganyan ka magsasagot" kunot noong tanong sakin ni Irvin Jae.
"What? It's just me Jae. The only difference is I'm not calling you love anymore and I'm showing you my sassy attitude na pinapakita ko rin sa mga kaibigan ko" I smiled at him.
"I'm sorry" he stopped.
"How are you? And Heyden?" I asked
"I don't know. Nagkakalabuan na kami ni Heyden" he smiked and I wasn't shookt actually. Alam ko na noon pa.
"Oh? Really. I'm sorry to hear that" at sinimulan ko ng kainin ang inorder niya para sakin.
"Nahihirapan ako Faiye. Hindi ko na alam kung tama pa ba yung ginagawa ko" nakatingin lang sya sa pagkain nya.
"Sus. Jae eto na naman tayo. Sinabi mo rin yan noong nakausap mo ko sa instagram nung January ah? Maayos nyo din yan" nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Faiye hindi ka ba nahihirapan sa situation mo ngayon? Hindi ka ba binabalikan ng mga memories at yung mga plano natin sa paguwi mo?" Mahina nyang pagkakasabi.
"Oo binabalikan ako. Pero hindi ko pinapansin Jae. Kasi mahihirapan at masasaktan lang ako kapag pinansin ko lahat ng ala-ala natin" matigas kong sagot sa kanya.
"Ang hirap hirap na. Tulungan mo naman ako oh. Hindi ko na alam gagawin ko. Simula noong nalaman ko na naka uwi ka na araw araw na akong wala sa sarili. Nililibang ko sarili ko para hindi mag overthink pero walang bisa Faiye." Tumingin sya sakin at umiwas ako.
"Ano na namang kalokohan to? Ang tagal na ah? Naka isang taon na nga kayo ni Heyden! Tas sasabihin mo naguguluhan ka? Na nahihirapan ka? Irvin Jae, kung nahihirapan ka mas nahihirapan ako! Isang taon at tatlong buwan matagal na pero masakit pa rin" mahinahon kong sagot sa kanya. Nakatingin lang ako sa mga mata nya at pinipigilang maiyak.
"Gulong gulo na ko. Walang halong biro to. Ano bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?" Nilapit nya ang mukha ko sa mukha nya.
"Wala. Hindi ko alam. Please lang Jae. Mag focus ka kay Heyden naguguluhan ka lang dahil sa konsensya mo. Wag mo pansinin yang nararamdaman mo" inayos ko ang gamit ko at tumayo na ko.
"Faiye!" Hinigit ako ni Jae palapit sa kanya.
"Bitawan mo ko nasasaktan ako" naramdaman ko ng kusang tumulo ang luha ko. Inalis ko ang kamay nya sa braso ko at nakita kong wala na si Jean.
---
Hindi ako umuwi sa bahay dahil gusto kong mapagisa, tinext ko na lang ang mga tao sa bahay na makikitulog ako kila Aika at bukas na ako uuwi. Sinabihan ko rin si Aika na kunwaring nasa kanila ako kung sakaling may maghanap sakin.
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Teen FictionSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...