"Bakit Jae? Inisip mo ba ako nung panahong mas pinili mo si Heyden kesa sakin?! Mag isa ako sa ibang bansa! Tiinis ko lahat para rin naman sayo yun diba?! Hindi ako nagkulang na sabihin sayo araw-araw na mahal kita! Hindi ako nagkulang ipaalala sayo na kaya ako umalis para rin sayo at kila tita!" Bulyaw ko sa kanya habang humahagulgol ng iyak.
Hindi umalis si Jae sa pagkakaluhod nya at yakap yakap pa rin nya ang bewang ko.
"Please Faiye, isang chance lang naman ang hinihingi ko. Handa akong gawin lahat mapatawad lang ako ng pamilya mo. Please! I'm sorry" umiiyak na pagmamakaawa sakin ni Jae, pilit kong inaalis ang braso nya sa katawan ko pero nanghihina na ako.
"Jae, let me go. Ayaw ko ng masaktan ulit ng sobra. Ayaw kong maramdaman ni Heyden yung naramdaman ko nung iniwan mo ko para sa kanya. Kaya please nag-mamakaawa ako sayo Jae" napa-upo na rin ako sa katapat nya. Mahal ko si Jae pero hindi na dapat.
"Alam ko na mahal mo pa rin ako Faiye, hayaan mong ipakita sayo na nagsisisi na ko sa ginawa ko sayo love. Please give me another chance" pagmamakaawa pa rin nya. Iyak na ako ng iyak at nahihilo na ko sa hindi ko alam na dahilan.
"Jae ayaw ko na.." at bigla na lang akong nawalan ng malay. Hindi ko na alam kung ano ang mga nangyare
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Teen FictionSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...