Irvin Jae Perez Navea. He's my Ex-boyfriend, we're dating for 2 years and 6 months but shit happens. Kilala ko na si Jae since bata pa lang kami. Classmate ko sya since kinder days at binubully nya ko, after how many years he became my high school sweet-heart. Nagsimula kami sa pagiging magkaibigan at dahil nag click kami naging Boyfriend ko sya noong January 26, 2014. Oo, 14 years old pa lang kami noon. Una hindi pa kami seryoso at hindi ko akalain na tatagal kami ni Jae. Hindi naming aakalain dalawa na mamahalin namin ng sobra ang isa't isa.
Sa lahat ng bagay si Jae ang kasama ko. Yung tipong kahit sya lang ang kasama ko kuntento na ko, kahit wala akong masyadong kaibigan basta sya ang nasa tabi ko okay lang. Natuto akong makuntento simula nung naging kami. Sa masasayang sandali ng buhay ko hanggang sa pinakamahirap sya ang kasama ko at hindi kami bumitaw. Kahit hindi sumasangayon ang mundo at ibang tao samin lalo na ang tatay ko, at paminsan ang nanay nya? Pinaglaban naming dalawa yung pagmamahal namin. Hindi nya ko iniiwan kahit anung mangyare. Mahal na mahal namin ni Jae ang isa't isa.
Kahit dumating yung panahon na hindi kami pwedeng magkita dahil bawal at hindi gusto ng magulang namin walang nakakapigil saming dalawa. Kahit napakahirap na minsan hindi ako napagod sa kanya at alam kong ganoon din sa sakin.
Nangarap kami ni Jae ng sabay. Minsan nga sya lang eh. He's so perfect for me, even through his worst times, I accepted his past and turned him to a better man. For me he's the right one and I never let him to forget that I'm always with him all the way. Gumawa kami ng masasayang ala-ala sa loob ng dalawang taon at limang buwan.
January 13, 2016
Isinama kami ni Tatay dito sa Australia. Pumayag ako kasi alam kong hihintayin ako ni Jae at ipinaintindi ko sa kanya na sasama ako dito para din sa kanya at sa family nya.
Hinding hindi ko makakalimutan yung huling gabi na kasama ko sya. Parang ayaw ko ng umalis sa yakap nya nung oras na yon, kasi alam kong kapag kumalas ako sa yakap namin yun na yung oras na maghihiwalay kami at maiiba na ang oras, mundo at baka ang tadhana naming dalawa. Pero dahil na ngako sya naging matatag ako at alam kong tutuparin nya yun.
Walang araw na hindi ko pinapaalala na mahal ko sya kahit malayo ako. Maraming pagsubok ang hinarap namin sa loob ng ilang buwan na magkalayo kami. Kapag may problema sa family ko nandoon agad sya. Noong panahong umalis ako mas minahal sya ng pamilya ko in both sides. Kasi nakita nila na mahal na mahal ni Jae through his actions. May mga problema kami pero napaguusapan namin, para lang kaming magkasama.
Sobrang hirap ng Long Distance Relationship. Halos mamatay ako sa sakit tuwing nararamdaman kong mag isa ko. Kailangan ko sya sa tabi ko pero wala akong magawa kundi tignan ang maliit na screen ng cellphone ko habang kausap ko sya.
Walang nagbago sa pagmamahalan namin ni Jae sa loob ng limang buwan na malayo ako. Mas nararamdaman kong mas minamahal namin ang isa't isa at alam kong hihintayin nya ako.
Dumating ang panahon na kinakatakutan ko, ang malayo sya sakin. Ang maghiwalay kaming dalawa at makahanap sya ng iba.
June 20, 2016. Senior High School na rin sya at pumasok sya sa University na malapit sa bahay namin. Doon din sana ako papasok kung hindi lang ako natuloy dito sa Australia.
Noong mga unang araw pa lang nya iba na ang nararamdaman ko, parang unti-unti nang nawawala yung taong mahal ko sakin. Dumadalas ang away naming dalawa, minsan hindi na naaayos at matutulog kami ng magkagalit. Minsan kahit kasalanan nya ako pa ang nagpapakumbaba magkaayos lang kami. Hindi ko sya iniiwan kahit ang sakit sakit na.
Kahit ilang beses na akong binigyan at binibigyan pa ni tadhana ng rason para iwan si Jae nung panahon na yon, sinarili ko na lang dahil mahal ko si Jae at hindi ko sya iiwan. Marami na syang ibang babaeng nakikilala at nakakasama. Pag magseselos ako nauuwi lang sa away dahil mas kinakampihan nya yung mga babaeng yun. Kung kani-kanino na sya sumasama at bumabalik na sya sa dating bisyo nya. Pero hindi naging rason yun para iwan ko sya. Kumapit pa lalo ako ng mahigpit sa kanya para hindi ako mapagod at bumitaw. Alam kong kaya ko pa kaya tiinis ko lahat ng nalalaman at nakikita ko.
YOU ARE READING
HER COMEBACK
Teen FictionSapat nga ba ang mahal mo ang isang tao para gawin ang lahat para sa kanya? Deserve ba ng lahat ng tao ang second chance na maaaring magkaroon ng dalawang resulta. Ang matamis na pag-ibig o ang pait ng nakaraan. Kaya pa bang dugtungan ang naudlot at...