CHAPTER ONE

58 1 0
                                    

"Ready ka na ba umuwi ng pilipinas at makita ang magaling mong ex?" Biglang singit ni Ate Sharmaine sa kwentuhan naming dalawa habang tinutulungan nya akong mag impake.

Uuwi na ako ng Pilipinas. Excited na kong gawin ang mga bagay na halos dalawang taon kong hindi nagawa. Masyado na akong maraming namiss sa bayan kung saan natutunan ko ang lahat ng bagay.

"Hmm. Hindi ko alam, hayaan mo hindi naman siguro mag kukrus ang landas naming dalawa" pagkontra ko sa sinabi nya habang inaayos ang hand-carry na bag ko.

"Anung oras nga pala alis mo bukas? Para masabihan ko si Mama na ihahatid ka namin sa airport, baka kasi makalimutan eh pumasok sya sa work bigla" sabay abot sakin ng passport ko dahil tinignan nya ito.

"6:30 flight ko papuntang Sydney. Tapos bukas pa flight ko from Sydney to Manila" habang chinecheck ko ang itinerary na binigay sakin ng flight centre nung nag pa book ako ng ticket.

"Sige teka lang, Ma!" Lumabas sya ng kwarto ko at pumunta kay Tita sa kabilang kwarto.

Minadali ko na ang paglalagay ng ibang chocolates at perfume na binili ko for my bestfriends sa loob ng luggage ko para makapagpahinga na kami ni Ate. Kagabi pa nya kasi ako tinutulungan mag ayos ng gamit ko. At syempre sa sobrang excited ko umuwi ay ilang araw na din akong hindi nakakatulog ng ayos ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng antok.

Itinayo ko na ang dalawang luggage ko at ang hand-carry na dala ko. Tapos ko na rin icheck yung isang bag ko na mga basic needs ko talaga ang laman. Nasa loob na nun ang passport at copy ng resibo ng ticket ko.

"Sige na Kirsten Faiye, magpahinga ka na maaga ka pang gogora bukas" natatawang pasok ni Ate Sharm sa kwarto ko.

"Ateee! Mamimiss kita!" Pag akbay ko sa kanya. Classmate ko si Ate Sharm pero 19 years old na sya kaya Ate ang tawag ko sa kanya.

"Wag ka nga! Bukas na yang drama na yan huehue! Hahaha!" Natawa kame sa pag arte nya. Best pal ko talaga tong babaeng to eh.

Pagkaalis ni Ate Sharm ay saktong nag ring ang cellphone ko. Ayaw ko sanang sagutin pero nakita ko na si nanay yung natawag.

"Yeoboseyeo?" It means hello in Korean kapag nasagot ka ng phone.

"Faiye! Icheck mo lahat ng gamit mo ha. Mamaya may maiwan ka dyan na importante nakong bata ka" panenermon nya agad.

"Yung passport mo ate baka kung saan mo maipatong" pagpapaalala ni tatay sakin. Naka group call kasi kaming tatlo.

"I already checked all of my stuff and I'm ready to go!" Masigla kong sagot sa kanila

"Yiiiie! Makikita mo na ulit si Jae! Witwiw!" Pang aasar nilang dalawa sakin.

Napatawa naman ako sa pang aasar nila sakin. Hindi ako kinikilig, natatawa ako. Hindi sila makagetover kay Jae. Ako kasi okay na ko. Siguro..

"Excited ka ba ate?" Tanong sakin ni nanay.

"Oo naman, nasabihan nyo na po ba yung mga tao sa airport na mag lagay ng malaking electricfan don para pag labas ko humahangin ang buhok ko? Hahahah!" Pag iiba ko ng topic.

"Asus! Iniiba mo usapan eh. Sige na matulog ka na baka tanghaliin ka bukas. Tawag ka pag paalis ka na ng bahay" pagpapaalam nila sakin

"Okay, I will Omma." Matipid kong sagot sa kanila.

"See you tomorrow at Sydney ate. Ingat ka bukas" pagpapaalam ni tatay sakin

"See you Abeoji, bye" at pinatay ko na yung tawag.

HER COMEBACKWhere stories live. Discover now